KASANAYAN SA WASAR, TAMPOK SA IKALAWANG ARAW NG 2025 HAPISABELA YOUTH SUMMIT

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2025, matagumpay na idinaos ang ikalawang araw ng HAPIsabela Youth Summit 5.0: The Fifth Wave, Agosto 16, sa Hami Beach, Barangay Baluno.
Sa unang bahagi ng programa, isinagawa ang Water Search and Rescue (WASAR) Short Course at Sea Level Check na pinangunahan ng resource speaker mula sa Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna (CDRRMO). Layunin nito na bigyang kaalaman ang mga kabataan hinggil sa kahalagahan ng kaligtasan sa tubig at pagbibigay-diin sa kahandaan sa panahon ng sakuna.
Matapos nito, sinimulan ang Environmental Quest na binubuo ng walong (😎 istasyon na may iba’t ibang hamon. Dito, nasubok ang talino, diskarte, at pagkakaisa ng mga kalahok. Pinangunahan ng iba’t ibang facilitators ang bawat istasyon na nagdagdag ng kasiyahan at excitement para sa mga kabataan.
Ang buong aktibidad ay isinakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Tanggapan ng Lokal na Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO) sa pangunguna ni Hepe Levinia Jarejolne, katuwang ang 6th Special Forces Battalion (6th SFBn) at 19th SF Magnitude Company.
Sa temang A.L.O.N. – Advancing Leadership through Oceanic Nurturing, layunin ng tatlong-araw na summit na paigtingin ang kamalayan, partisipasyon, at kakayahan ng mga kabataan sa pangangalaga ng kalikasan at karagatan, gayundin sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuno at serbisyo sa komunidad.
Sa kabuuan, pinagtibay ng ikalawang araw ng HAPIsabela Youth Summit 5.0 na sa kabila ng mga hamon, nananatiling matatag ang kabataan ng Isabela City—handa, matiyaga, at may determinasyong gawin ang kanilang bahagi para sa kalikasan at komunidad. (Sulat ni KJ Lim/Kuha ni K. Sencio, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »