MABUTING PAMAMAHALA, PANALO SA BAYAN

 

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang matapos ang halalan, nagtipon ang mga convenor ng Mayors for Good Governance (M4GG) — sina Mayor Benjie Magalong, Mayor Vico Sotto, at Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman — upang talakayin ang mga estratehiya para higit pang palakasin ang kanilang sama-samang laban kontra graft at korapsyon.
Lahat ng convenors ay muling nahalal — patunay na ang tapat at mahusay na pamumuno ay pinapahalagahan at pinagkakatiwalaan ng mamamayan.
Sa kanilang pag-uusap, binigyang-diin ng mga alkalde ang kagyat na pangangailangang tiyakin ang maayos na pamamahala sa pondo ng bayan sa pamamagitan ng transparency, accountability, at integridad, upang masiguro na bawat piso ay tunay na mapapakinabangan ng mamamayan — lalo na ng mga karaniwang Pilipino sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.
Sa parehong araw, ang grupo ay nag-courtesy call kasama si DILG Secretary Jonvic Remulla at pinagtibay rin ang partnership kasama ang SGV and Co. para palakasin ang kakayahan ng mga LGU sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »