PAKIKIPAGPULONG SA UNIPORMADONG SEKTOR: PMA ENTRANCE EXAM, SUPORTA SA PNP-FORENSIC GROUP, TINALAKAY

Pormal na tinanggap ni Bise Alkalde Ar-Jhemar Ajibon, na kumatawan kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, kasama si Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, si Major Mark Ronitt Atilano ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa kanilang pagbisita, ika-7 ng Agosto.
Layunin ng pagbisita na itaguyod ang kamalayan hinggil sa nalalapit na Philippine Military Academy Entrance Examination (PMAEE) 2025 at hikayatin ang mga kabataan na isaalang-alang ang karera sa serbisyo-militar. Tinalakay sa pagpupulong ang mga proseso ng aplikasyon at ang mga nararapat na paghahanda para sa nasabing pambansang pagsusulit, na itinakdang ganapin sa ika-9-10 ng Agosto sa Lamitan National High School.
Kasama sa delegasyon sina Technical Sergeant Joseph Dulay ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas, Chief Petty Officer Oliver Del Mundo ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, at sina CPT Carmelo Robles, CPT Brent Dacquigan, Staff Sergeant Charleston Panit, at 1LT Veronica Ramos ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.
Samantala, sa hiwalay na pagkikita, nakipagpulong kay Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma sina PLTCOL Ariel Genotiva at PCPT Al-Mabsi Uhon, Assistant Provincial Chief ng PNP-Forensic Group mula sa Basilan Provincial Forensic Unit, upang talakayin ang mga posibleng pagtutulungan ukol sa mga inisyatibo para sa kapayapaan at kaayusan. Kabilang sa mga natalakay ang partisipasyon sa community safety planning, pakikiisa sa mga programa ng POPS (Peace and Order and Public Safety), at ang kanilang patuloy na suporta sa pamamagitan ng regular na koordinasyon sa mga lokal na inisyatiba. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »