LUNGSOD NG ISABELA, NATATANGING PAMAHALAANG PANLUNGSOD SA ZAMPEN NA KABILANG SA OGP LOCALIZATION PROGRAM

π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”, π—‘π—”π—§π—”π—§π—”π—‘π—šπ—œπ—‘π—š π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘π—š π—£π—”π—‘π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— 𝗦𝗔 π—­π—”π— π—£π—˜π—‘ 𝗑𝗔 π—žπ—”π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗦𝗔 π—’π—šπ—£ π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿπ—œπ—­π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠 | Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Focus Group Discussion (FGD) at Mapping Assessment, ika-7 ng Agosto, bilang bahagi ng pagpapatupad sa Open Government Partnership (OGP) Localization Program.
Layunin nitong makakalap ng dokumentasyon at palakasin ang klarong pamamahala ng lokal na pamahalaan, pagtugon sa mga umiiral na hamon, at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan na tukuyin ang mga kasanayan sa pagsulong ng mga magagandang inisyatiba ng lungsod.
Idinaos ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Mindanao Coalition of Development NGO Networks (MINCODE), isang kinikilalang katuwang sa pagsusulong ng mga prinsipyo ng bukas na pamamahala sa Mindanao. Ang kaganapan ay nagtipon ng mga pangunahing kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, organisasyong panlipunang sibil (CSOs), at mga lokal na katuwang, na nagtataguyod ng isang inklusibong diyalogo upang iayon ang mga lokal na prayoridad sa mga pangunahing prinsipyo ng OGP: pagiging bukas, pananagutan, partisipasyon ng mamamayan, at inobasyon.
Si Agnes BolaΓ±os, miyembro ng MINCODE Board of Trustees at executive director ng Alliance of Advocates for Development (AADC), ay nagbahagi ng mahalagang layunin kung papaano nagsimulang itinatag ang balangkas ng OGP. Binigyang-diin niya na ang inisyatiba, na nagsimula sa walong bansa, ay mayroon na ngayong 77 miyembro sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) ay pinamumunuan ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM) kasama ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) bilang pangalawang tagapangulo, habang ang mga CSOs ay kinakatawan ng Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO).
Dagdag pa ni BolaΓ±os, ang Lungsod ng Isabela lamang ang tanging pamahalaang panlungsod ang kasali sa dokumentasyon ng OGP sa 16 na mga LGUs sa buong rehiyon. Ipinagmamalaki rin niyang binanggit na ang Isabela ang nag-iisang lungsod sa Zamboanga Peninsula, na pasok sa Top 7 sa lahat ng kalahok na LGU.
Ang sesyon ay dokumentado rin ni Maria Luisa Briones at MINCODE executive director Raizsa Mae Anayatin na siniguro na ang mga resulta ng FGD ay makakatugon sa mas malawak na layunin ng OGP at magsisilbing pundasyon para sa lokal, bukas at malinaw na mga datos, at nakasentro sa pangangailangan ng mamamayan ang mga patakaran.
Ang aktibidad ng ‘OGP Localization’ ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod na gawing institusyonal ang mga mekanismo para sa mas bukas na pamamahala at pahusayin ang pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa lokal na paggawa ng patakaran. Ang aktibong pakikilahok ng lungsod sa inisyatiba na ito ay sumasalamin sa matatag na pangako nito sa pagbuo ng isang mas inklusibo, malinaw, at may pananagutan ng lokal na pamahalaan para sa lahat ng IsabeleΓ±o.
Naroon sa isinagawang dokumentasyon sina DILG-ICFOU CLGOO Arnel Alvarez, kinatawan mula sa Sangguniang Panlungsod, mga pinuno ng mga departamento ng lungsod na pinangungunahan ni Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, mga kinatawan mula OCM, CBO, CIO, CTrO, CAgO, CHRMO, CLO, CSO Desk, BAC, at CPDO, gayundin ang mga katuwang na organisasyon gaya ng ICPC sa pamumuno ni Pastor Ronald Paulino, mga kinatawan ng mga katutubong pamayanan, Solidaridad IDP, CAFC, at Nagdilaab Foundation, Inc. Kasama rin sa mga naimbitahan dumalo si dating IPMR Marymay Julhari. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

‘LIGID PADULUNG KALAMPUSAN’ STRENGTHENS LIVELIHOOD AND MOBILITY SUPPORT FOR PWDs

The City Government of Isabela under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, through the City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO), headed by Gemma Paculio, continues to advance inclusive governance by strengthening livelihood, mobility, and accessibility opportunities for persons with disabilities (PWDs) through the β€œLigΓ¬d Padulung Kalampusan” (Wheels Towards

Read More Β»

CDRRMO AND CSOs JOIN EIGHTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) and Civil Society Organizations (CSOs) joined the eighth session of the Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0 on September 8 at Westside Elementary School. An initiative of the City Government of Isabela under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, Sakayan-Kaalaman 4.0 is

Read More Β»

GSP BASILAN JOINS THE 7TH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The Girl Scouts of the Philippines (GSP) – Basilan Chapter took part in the seventh session of Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0, held on September 7 at Westside Elementary School. Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0 is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman,

Read More Β»

‘ESTUDYANTIPID’ SCHOOL CARAVAN, SET TO TEACH FINLIT TO CITY’S YOUTH

Isabela City welcomed a meaningful partnership advancing financial literacy and lifelong learning through the Estudyantipid School Caravan – Provincial Launch and Knowledge Channel TV Turnover, under FinEd Unboxed, an initiative of the BPI Foundation and Knowledge Channel Foundation, Inc., September 3. As part of the Knowledge Channel TV turnover, Basilan

Read More Β»

IN PHOTOS | HUWARANG PAMILYA AWARDS 2026

Outstanding individuals and families were honored during the Huwarang Pamilya Awards 2026 and culminating of Family Planning Month, September 2, organized by the City Govermment of Isabela through the City Population Management and Development Office. This year’s observance of the National Family Planning Month carries the theme “Panalo ang Pamilyang

Read More Β»