PANREHIYONAL NA SALUBONG SA ‘BUWAN NG PAGPAPLANO NG PAMILYA’, GINANAP SA LUNGSOD NG ISABELA

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Kalusugan – Sentro ng Pagpapauland Pangkalusugan IX (DOH-ZPCHD), pormal na binuksan ang pagdiriwang ng Buwan ng Pagpaplano ng Pamilya (Family Planning Month) sa Lungsod ng Isabela, ika-4 ng Agosto.
Katuwang ng Pamahalaang Lungsod, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Komisyon sa Populasyon at Pagpapaunlad (CPD) at pinangunahan ng Tanggapan ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Populasyon (CPMDO) sa pamumuno ni tagapangulo Jesielyn Puno. Ang tema ng selebrasyon: “Panalo ang Pamilyang Planado! Tara, Usap Tayo sa Family Planning.”
Bilang kinatawan ni Alkalde Turabin-Hataman, nagbigay ng mainit na pagbati si Bise-Alkalde Ar-Jhemar Nims Ajibon, na sinundan ng makabuluhang mensahe mula kay Dr. Augusto Manolo Alpichi ng DOH-ZPCHD.
Ibinahagi ni CPD IX Direktor Panrehiyonal Jeff Ysulat Fuentes ang mga positibong pagbabago sa family planning sa buong rehiyon. Aniya, “Ang family planning ay mahalaga dahil binibigyan tayo nito ng kaalaman, kakayahan, at impormasyon. Tandaan, panalo ang pamilyang planado.”
Nagbigay rin ng mahahalagang impormasyon si Dr. Nurshida Sahibbil-Latip ng Basilan Medical Center ukol sa kahalagahan ng family planning at iba’t ibang opsyon para sa mga pamilya.
Nagpahayag ng suporta sina Konsehal Karel Annjaiza Sakkalahul, tagapangulo ng komite sa kababaihan, mga bata, at mga gawaing pampamilya, at Konsehal Al-Ameen Camlian, tagapangulo ng komite sa kalusugan, kasama si Sheila Pagarian, pangulo ng Lokal na Sanggunian sa Kababaihan (LCW).
Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang paglilipat-kamay ng Omnibus Guidelines on Family Planning ng Tanggapan ng Kalusugan (CHO), na siyang tumutok din sa pagbibigay ng mga serbisyong medikal tulad ng libreng konsultasyon, pagkuha ng vital signs, HIV screening/testing, nutrisyon at adbokasiya sa HEPO, pagpaplano ng pamilya at pagpapayo.
Ang ganitong mga inisyatiba ay patunay ng matibay na ugnayan ng pambansang at lokal na pamahalaan sa pagpapalaganap ng kaalaman at serbisyo para sa mas planado at mas ligtas na kinabukasan ng bawat pamilya. (Sulat ni R. Albani/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »