UNANG ARAW NG MISA DE GALLO, SA LUNGSOD NG ISABELA

Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko, madaling-araw pa lamang ng ika-16 ng Disyembre ay nagtungo na sa Katedral ni Sta. Isabel ng Portugal ang mga mananampalatayang Katoliko ng Lungsod ng Isabela para sa unang araw ng Misa de Gallo, na pinangunahan nina Padre Ronel Antonio at Padre Peter Nguyen Duc Hau.
Ngayong taon, nagsagawa ang Parokya Katedral ni Sta. Isabel ng Portugal ng Simbang Gabi na nagsimula noong ika-15 ng Disyembre ganap na alas-6 ng gabi, kasunod ang dalawang Misa de Gallo na ginanap alas-3:00 at alas-4:30 ng madaling-araw.
Ang siyam na araw na pagdiriwang ng Misa de Gallo, na kilala rin bilang Misa de los Pastores, ay isang natatanging tradisyong Katoliko sa Pilipinas na nagsisilbing opisyal na pagsisimula ng panahon ng Pasko.
Samantala, sa ilalim ng direktiba ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, katuwang ang mga sektor ng seguridad, ay nananatiling nakaalerto upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagdiriwang ng Pasko at ng nalalapit na Bagong Taon.
Nabihisan na rin ng mga palamuti at pailaw ang Plaza Misericordia at Plaza Rizal, na pormal na binuksan sa “Alumbra: The HAPIsabela Christmas Switch On” na pinangunahan ng Tanggapan ng Turismo at Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo noong ika-5 ng buwang ito.
Naghandog naman ang mga tauhan ng Tanggapan ng Turismo ng kanilang taunang “Misa de Gallo Painit” katuwang ang Nestlé Philippines Incorporated, kung saan namahagi sila ng arroz caldo sa mga nagsimba. Maglilibot sa iba’t ibang parokya ng lungsod ang nasabing aktibidad kasabay ng siyam na araw ng Misa de Gallo.
Kaugnay nito, patuloy rin ang pamamahagi ng mga “Pamaskong Handog” packs sa mga Kristiyanong pamayanan sa 45 barangay ng lungsod—isang tradisyong sinimulan ni Alkalde Turabin-Hataman sa kanyang unang termino noong 2020. (Sulat ni M. Guerrero, CIO/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »