UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.

‎Sinimulan ang ruta sa umaga mula Barangay Baluno, na dumaan sa Basilan National High School (BNHS), nagtungo sa Plaza Misericordia, hanggang Barangay Cabunbata, at muling bumalik sa parehong mga hintuan — tiyak na paraan upang masiguro na naiabot ang serbisyo para sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang sulok ng lungsod.

‎Para naman sa hapon, nagsimula ang biyahe bandang alas-3, kung saan dumaan muli sa BNHS patungong Plaza Misericordia, tuloy sa Cabunbata, pabalik sa Plaza, at muling dumaan sa BNHS bago tuluyang bumalik sa Barangay Baluno — tinitiyak na ligtas at maayos ang pag-uwi ng mga estudyante matapos ang klase.

‎Sa unang araw pa lamang ng programa, malinaw na ang malaking tulong nito sa mga mag-aaral at pamilyang Isabeleño, lalo na sa mga bata sa antas ng kindergarten na sinamahan pa ng kanilang mga magulang. Higit pa sa libreng biyahe, ipinakita ng Libreng Isa-Kayan Program na tunay na inuuna ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang kaginhawaan at kaligtasan ng bawat mag-aaral sa kanilang araw-araw na pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan.

‎Patuloy na isusulong ng lokal na pamahalaan ang mga katulad na programang direktang nakatutulong sa mamamayan, bilang bahagi ng malasakit at pangako nito para sa mas inklusibo at abot-kayang edukasyon para sa lahat. (Kuha ni KJ Evardo, IsaTV/Sulat ni S. Angging, CIO)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeForAll

#GoodGovernanceWorks

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »

MAYOR DADAH GRACES SPARK CULMINATING ACTIVITY

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman joined the SPARK Culminating Activity on July 23 at the DICT Basilan Provincial Office, celebrating the successful completion of the SPARK Program Technical Training on General Virtual Assistance 2.0 by aspiring virtual assistants from Isabela City. Implemented by the Department of Information and Communications Technology

Read More »