Bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan sa pagsusulong ng sining at talento, bumisita sa Tanggapan ng Punong Lungsod ang Tawag ng Tanghalan Team ng programang It’s Showtime na kinabibilangan nina Gerard Dave De Castro at Mary Grace Balderas.
Mainit silang tinanggap ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman kung saan tinalakay ang kanilang adbokasiya sa musika at ang patuloy na pagbibigay-inspirasyon sa mga kabataang mang-aawit sa pamamagitan ng kompetisyong Tawag ng Tanghalan.
Ibinahagi rin sa pag-uusap ang matagumpay na pagsasagawa ng TNT auditions na ginanap sa Isabela City Civic and Cultural Center sa Barangay Binuangan, na dinaluhan ng mga kalahok mula sa Basilan at karatig-lugar.
