SUMAGDANG FARMERS ASSOCIATION NAKAPAGPATAYO NG MEETING VENUE SA TULONG NG LGU

Sa pangunguna ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, matagumpay na pinasinayaan ng Sumagdang Farmers Association na pinangunahan ng pangulo nitong si Mae Pia, ang naipatayong meeting venue para sa mga kasapi ng asosasyon, ika-5 ng Abril.
Dahil sa kawalan ng lugar para makapagpulong ang mga miyembro ng grupo, naisipan nilang humingi ng tulong sa Pamahalaang Lungsod para maisakatuparan ang matagal na nilang inaasam-asam na pagpapatayo ng meeting venue nila. Mula sa pondo ng Gender and Development (GAD), kabilang sa nasabing meeting venue na umabot sa halagang P84,000, ay ang palikuran na siya ring magagamit ng mga miyembro habang sila ay nagtatanim sa kanilang palayan.
Kasama sa mga naging saksi sa seremonyang ito ay ang Isabela City People’s Council (ICPC) na siyang may tungkulin na bantayan ang pagpapatupad ng mga programa ng LGU, sa pangunguna ni Pastor Ronald Paulino ng UECI na siya ring pangulo ng ICPC; si Shiela Pagarigan, pangulo ng Local Council of Women (LCW); CIO/GAD Focal Mendry-Ann Lim at iba pang mga famers associations at miyembro ng ICPC at LCW ng Lungsod ng Isabela. (Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »