Nagningning ang entablado sa Ika-4 na araw ng pagdiriwang ng Ika-25 Taon ng Lungsod ng Isabela at ng Sakayan Festival na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo Loka pangunguna ni CTO Claudio Ramos II, tampok ang makulay at makasaysayang tanghal-sayaw ng Basilan State College – Cultural Dance Troupe, ika-28 ng Abril.
Binuksan ang programa sa La Jota Quirino, kasunod ang awitin ni John Paul Labastillas. Nagpatuloy ang sigla sa Modern Samba at Thalek, at sa Sakayan Festival Jingle Competition 2025 Grand Champion na kinanta nina Airodale at Airodane Paragas.
Sinundan ito ng solong awit ni Airodane, Pandanggo sa Ilaw, at Contemporary Duo (The One That Got Away Theme). Ipinakita rin ang kombinasyong pagtatanghal ng Pandanggo, Duo, at Panuyo, kasabay ng pagkanta ni Michael Balais at The Paragas Twin.
Umarangkada rin ang Happatong at Retro Dance, habang muling bumida si Airodale bilang nakakauha ng pangatlong pwesto sa Voces Isabela: The Search for the Sakayan Singing Idol 2026. Tinapos ang programa sa Tutup at sabayang pagtatanghal ng awiting ‘Sakayan,’ na nag-iwan ng diwa ng pagkakaisa at kulturang Basileño.
Ang pagtatanghal ng Basilan State College Cultural Dance Troupe ay patunay ng patuloy na pagyabong ng sining at kultura sa Lungsod ng Isabela. Sa pamamagitan ng sayaw at musika, naipakita ang husay, talento, at pagkakaisa ng kabataan na nagbibigay kulay at pagkakakilanlan sa pagdiriwang ng Sakayan Festival 2026. (Sulat ni HD Castillo/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
