SANGGUNIANG KABATAAN NG LUNGSOD NG ISABELA, LYDO, NANGUNA SA IFTAR DRIVE

Bilang paggunita sa banal na buwan ng Ramadan, matagumpay na isinagawa ng Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan ng Lungsod ng Isabela, katuwang ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, at sa tulong ng Tanggapan ng Opisina ni SK Federation President at Konsehal Naila Belleng at ng Lokal na Kalinangang Pangkabataan na pinamumunuan ni LYDO Levinia Jarejolne, ang Iftar Drive noong ika-16 ng Marso sa Plaza Misericordia.
Namahagi sila ng pagkain at inumin sa mga kapatid na Muslim bilang suporta sa kanilang pag-aayuno. Layunin ng aktibidad na tumulong sa mga nangangailangan sa oras ng Iftar, ang pagbasag ng ayuno tuwing dapithapon. Sa bawat handog, pinaalalahanan ng kabataan ang kahalagahan ng pagkakawanggawa, lalo na ngayong Ramadan. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »