SAKAYAN-KAALAMAN 3.0 MID-ASSESSMENT, TAGUMPAY NA ISINAGAWA SA IKA-11 NA READING SESSION

Umabot na sa ika-11 sesyon ang Sakayan-Kaalaman Reading Program 3.0 sa Kaumpurnah Elementary School noong ika-24 ng Setyembre, na dinaluhan ng 100 piling mag-aaral mula Baitang 2 hanggang Baitang 6. Tampok sa sesyong ito ang mid-assessment—isang mahalagang hakbang upang masukat ang pag-unlad ng mga kalahok, kung saan nanguna ang mga guro ng Kaumpurnah Elementary School.
Ipinagpatuloy din ang regular na reading session sa gabay ng mga volunteers mula Youth Space Mentoring Program, na lalo pang pinalakas sa presensya ni LYDO Levinia Jareljone. Tinipon niya ang mga mentors upang hikayatin silang mas tutukan ang mga bata at nag-iwan ng inspiradong paalala: “Kung gusto niyo nang sumuko o pagod na kayo, bumalik kayo sa dahilan kung bakit ninyo pinasok ang pagtuturo sa mga bata.”
Pinangungunahan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang ang City Information Office at Local Youth Development Office, layunin ng programa na mapaunlad ang kasanayan sa pagbabasa ng mga kabataang Isabeleño. Isinasagawa ito tuwing Martes at Miyerkules, kung saan bawat partner organization ay naglalaan ng isang oras na edukasyonal na aktibidad, kalakip ng dalawang oras na pagbabasang may gabay mula sa mga guro at volunteers.
Sa tulong ng HAPIsabela Mobile Library, higit pang napayaman ang karanasan ng mga mag-aaral. Patunay ito na ang pagbabasa ay hindi lamang tungkol sa pagkatuto, kundi mahalagang bahagi rin ng pagtutok sa kalusugan, kabutihan, at pangkalahatang pag-unlad ng bawat bata. (Sulat ni E. Banding-Hadjala, CIO/Kuha ni A. Puti, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »