Republic of the Philippines

City of Isabela

PROGRAMANG TUPAD SA LUNGSOD NGAYONG 2026, PINONDOHAN

Pormal na tumanggap ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela mula sa Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE) para sa pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) Program, ika-20 ng Enero.
Ang pagsasalin ng tseke ay pinangunahan ni DOLE ICFO Chief SLEO Marlyn Anoos at tinanggap ni Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, na kumatawan kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman. Dumalo rin sa aktibidad sina Konsehal Jashim Tiplani, Tagapamahala ng PESO Aradelria Belleng at DOLE ICFO LEO II Christopher Borcelas.
Ang tulong, na nagkakahalaga ng P3,000,000 ay susuporta sa pagpapatupad ng programa, kung saan ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela ay nagsisilbing katuwang ng proyekto na responsable para sa wastong pagpapatupad nito, at idinisenyo upang magbigay ng panandaliang trabaho sa 660 na mahihirap na manggagawa. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post