PATUBIG PARA SA MGA MAGSASAKANG MIYEMBRO NG FATIMA HILLS FARMER’ ASSOCIATION, HANDOG NG LGU-ISABELA CITY

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pormal na pagpapasinaya ng patubig para sa Fatima Hills Farmer’s Association ika-16 ng Abril. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P36,000 at pinondohan ng Gender and Development (GAD) Fund ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, bilang tugon sa pangangailangan ng asosasyon sa ligtas at sapat na suplay ng tubig.
Ginanap ang seremonya sa Sitio Fatima Hills, Barangay Lanote, at dinaluhan ito ni CIO at ang kasalukuyang Gender and Development Focal Mendry-Ann Lim, CSO Desk Officer Norhaya Macusang, Shiela Pagarigan, at mga miyembro ng asosasyon.
Ayon kay Alkalde Turabin-Hataman, ang pasilidad ay hindi lamang nagbibigay ng access sa malinis na tubig kundi sumasalamin din sa pangakong serbisyo ng pamahalaang lungsod, lalo na para sa mga kababaihan at pamilyang umaasa sa agrikultura.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Fatima Hills Farmer’s Association sa suporta ng lungsod, at sinabing ang bagong water facility ay malaking tulong sa kanilang hanapbuhay at pang-araw-araw na gawain. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »