PAMAMAHAGI NG 2025 PAMASKONG HANDOG, SINIMULAN NA

Bilang pagpapatuloy sa taunang tradisyong Pamaskong Handog na inilunsad ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman mula nang maupo siya bilang alkalde, nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamahagi ng mga panghanda para sa mga pamilyang Kristiyano sa mga barangay ng Sta. Cruz, Calvario, Lumbang, Panunsulan, Kapayawan, Maligue, Binuangan, La Piedad, Doña Ramona at Sunrise noong Disyembre 11, bilang paghahanda sa pagdating ng Pasko. Abangan lamang sa inyong barangay ang iba pang iskedyul ng pamamahagi.
Katuwang ng programang ito ang katumbas nitong inisyatiba tuwing buwan ng Ramadhan, kung saan ang mga pamilyang Muslim naman ay binibigyan ng food packs—isang malinaw na patunay ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na isulong ang pagkakaisa at pagkakasundo ng iba’t ibang sektor ng komunidad.
Ang mga 2025 Pamaskong Handog Packs, na maayos na inayos at inilagay sa mga eco-friendly na bag, ay naglalaman ng:
▪️ Sauceyghhetti Sakto Combo
▪️ Macaroni
▪️ Keso
▪️ Corned beef
▪️ Fruit cocktail
▪️ Kremdensada
Sa pamamagitan ng programang ito, muling ipinadadama ng pamahalaang lokal ang kanilang malasakit at suporta sa bawat sambahayan—anumang relihiyon—habang layuning maghatid ng kagalakan at ginhawa ngayong panahon ng pagdiriwang. (Kuha nina J. Segovia at K. Galano, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »