MUNTING SALUSALO NG LGU-ISABELA CITY NGAYONG FIESTA, HANDOG NI MAYOR DADAH

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-176 na Kapistahan ng Parokya Katedral ng Sta. Isabel de Portugal, naghandog si Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ng munting salusalo para sa mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng nitong Hulyo 8.

Taon-taon, isinasagawa ito bilang pagpapakita ng paggalang at pakikiisa sa pagdiriwang ng mga Katoliko ng lungsod.

Sinasalamin nito ang patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ng pagkakaisa, paggalang, at pagkakaunawaan sa iba’t ibang pananampalataya. Sa Lungsod ng Isabela, ang bawat relihiyon ay kinikilala at ipinagdiriwang bilang mahalagang bahagi ng mayamang kultura at pagkakakilanlan ng lungsod.

#FiestaAlegria

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeForAll

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

YOUR CITY GOVERNMENT AT WORK

Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, upang mapabuti ang mga pasilidad pampaaralan at makapagbigay ng mas ligtas, maayos, at mas angkop na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro. Bahagi ng programang ito ang pagkukumpuni

Read More »

MAYOR DADAH, PINANGUNAHAN ANG PAGPAPASINAYA SA UPGRADED CITY HEALTH OFFICE

Mula sa dating City Infirmary, isa na ngayong mas moderno at mas pinalawak na City Health Office (CHO) Building ang nagsisilbing sentro ng mga serbisyong pangkalusugan sa Lungsod ng Isabela. Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagpapasinaya sa mga bagong natapos na imprastraktura sa CHO Building sa Barangay

Read More »

MAYOR DADAH HOLDS SERIES OF MEETINGS TO ADVANCE CITY PROGRAMS AND PARTNERSHIPS

Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman conducted a series of meetings with key city officials, staff, and partner organizations on July 20 at the Infirmary Conference Hall to discuss priority programs and initiatives aimed at strengthening public service delivery, cultural development, youth empowerment, and community partnerships. Among the meetings held was with

Read More »

LIBRENG ISA-KAYAN PARA SA MGA MAG-AARAL, HANDOG NG PAMAHALAANG LUNGSOD

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng gastusin ng mga pamilyang Isabeleño, pormal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ika-21 ng Hulyo, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Libreng Isa-Kayan Program para sa mga mag-aaral at guro sa lungsod. Nakiisa sa paglulunsad

Read More »