MGA YAKAN TENNUN WEAVERS NG KAPATAGAN GRANDE, NABIGYAN NG TULONG-PANGKABUHAYAN AT PAGSASANAY

Mas pinalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang pangangalaga sa Yakan Tennun at ang kabuhayan ng mga katutubong manghahabi sa pamamagitan ng proyektong ‘IP EmpowHERment: Support to IP Tennun Weavers of Kapatagan Grande’, ika-15 ng Hulyo.

Sa ilalim ng Gender and Development (GAD) Program, nagkaloob ang lungsod ng livelihood assistance sa tatlong asosasyon ng Yakan Tennun weavers bilang suporta sa pagpapanatili ng tradisyunal na paghahabi at pagpapalawak ng kanilang mga oportunidad sa kabuhayan.

Tumanggap ang Tennun Weavers Association of Kapatagan Grande (TWAK-G), Isabela City Yakan Tennun Weaving Association (ICYTWA), at Kapatagan Grande Weaving Association (KGWA) ng mga kahon ng mga sinulid at yarn na kagamitan sa paggawa ng tennun at mga sewing machines upang mapataas ang kanilang produksyon at mapabuti ang kalidad ng kanilang mga produkto.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman na ang Yakan Tennun ay higit pa sa isang produktong hinahabi. Aniya, “Ang Tennun ang ating pagkakakilanlan. Hindi lamang tayo basta-basta gumagawa ng produkto; lumilikha tayo ng isang Tennun na maaaring maging simbolo ng isang Yakan.” Binigyang-diin din niya na ang tunay na halaga ng Tennun ay hindi lamang makikita sa disenyo nito kundi sa paraan ng paglikha nito.

Higit sa lahat, ibinahagi ni Alkalde Turabin-Hataman ang kanyang pangarap na dumating ang panahon na ang Yakan Tennun—kasama ang mga manghahabi nito—ay higit na mapahahalagahan bilang sagisag ng kultura at pamana ng mga Yakan, at mabigyan ng mas mataas na halaga sa merkado kaysa sa kasalukuyan. Ikinuwento rin niya ang kanyang karanasan sa pagdalo sa isang international auction, kung saan naibenta sa halagang mahigit P100,000 ang isang maliit na piraso ng Tennun. Dagdag ng alkalde, ito ang direksyong nais niyang marating ng industriya ng Yakan Tennun sa Lungsod ng Isabela. “Malayo-layo pa ang ating lalakbayin, pero kailangan na nating simulan ngayon,” saad ng alkalde, kasabay ng panawagan na sama-samang itaas ang antas ng pagpapahalaga sa Yakan Tennun at sa mga artisanong nagpapanatili ng natatanging pamanang ito.

Binigyang-diin naman ni CIO at GAD Focal Person Mendry-Ann A. Lim na layunin ng programa na mapanatili ang sining ng Yakan Tennun habang binibigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga Indigenous Peoples na mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng suporta sa kagamitan, pagsasanay, at paglinang ng kanilang kakayahan.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Punong Barangay Jehar Sahibul ng Kapatagan Grande sa patuloy na pagdadala ng mga programang nagbibigay ng kabuhayan at pag-unlad sa kanilang barangay, lalo na sa mga Yakan weavers na nagsisilbing tagapangalaga ng isa sa pinakamahalagang pamana ng Basilan.

Kasabay ng turnover ng livelihood assistance, isinagawa rin ang TESDA Dressmaking NC II Training Induction Program bilang bahagi ng pagpapalawak ng oportunidad sa kabuhayan para sa mga benepisyaryo. Layunin ng pagsasanay na higit pang paunlarin ang kanilang kasanayan at dagdagan ang kanilang kakayahang makalikha ng mga produktong may mas mataas na halaga sa merkado. Nagpahayag din ng suporta si Yasher Hayudini, Center Chief ng MBHTE–Provincial Training Center Basilan, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng skills training sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga katutubong manghahabi at sa pagpapanatili ng kanilang kabuhayan at kulturang Yakan.

Nakiisa rin sa aktibidad sina City Tourism Officer Claudio Ramos II, ICPC Representative sa Sangguniang Panlungsod Pastor Ronald Paulino at mga miyembro ng Isabela City People’s Council, Tourism Operations Officer Arriana Jupakkal, Focal for IP Affairs Norhaiya Macusang, mga kinatawan ng TESDA at MBHTE–Provincial Technical Center Basilan, gayundin ang iba pang katuwang ng pamahalaan at civil society organizations bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa pagpapaunlad ng mga Indigenous Peoples.

Ang proyektong ito ay bahagi ng HAP DENDA, isa sa mga pangunahing inisyatibong GAD ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela. Kabilang ito sa mga programang itinampok sa isinagawang Philippine Commission on Women Local Learning Hub Validation noong Marso. Sa kasalukuyan, inaasahan ng lungsod ang opisyal na pagkilala bilang isang PCW Certified Local Learning Hub, bilang patunay sa patuloy nitong pagsusulong ng mga programang gender-responsive, culturally sensitive, at inklusibo para sa iba’t ibang sektor ng komunidad, kabilang ang mga Indigenous Peoples. (Sulat nina R. Albani at M. Lim, GAD/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll

#GoodGovernanceWorks

#HAPDENDA

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaro—isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More »

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More »

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More »

ISABELA CITY HOSTS INTERNATIONAL ISLAMIC SCHOLARS, LEADERS FOR SEMINAR ON KNOWLEDGE

Scholars, educators, community leaders, and advocates of knowledge-driven development gathered in the City of Isabela for the International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement, August 29, at Kasinnahan Hotel and Resort, Isabela City, Basilan. Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman personally graced the

Read More »