MGA PWDs SA LUNGSOD, NAKIISA RIN SA GOGO ISABELA CARAVAN

Patuloy ang pagroronda ng GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan sa pamamahagi ng makabuluhang impormasyon nito sa pagkamit nang mabuting pamamahala sa lungsod kung saan, dinaluhan ito nang 80 na mga PWDs mula sa iba’t ibang barangay at umabot na sa ika-31 na hanay nitong target na sektor. Ginanap ang pagsasanay sa JB Dans Hall, City Hall, ika-27 ng Marso.
Sina Barbette Jane Baclay, isang nars at Community Health Developer mula sa Global Missions Project, kasama si Maria Wendy Parojinog, Executive Assistant mula sa Claret Samal Foundation Incorporated ang nagsilbing mga GoGo ispikers sa makabuluhang pagsasanay.
Bago sinimulan ang pagsasanay, ibinahagi ni Gemma Paculio, City Person with Disabilities Affairs Officer, ang kanyang pasasalamat sa pag-imbita ng kanilang sektor upang maging bahagi nang pagbabagong nais mangyari para sa lungsod. Aniya, hindi hadlang ang kanilang kapansanan para maibahagi ang kanilang adbokasiya tungo sa pagkamit ng mabuting pamamahala. Hinikayat din nito ang mga kalahok na makiisa, makilahok, at ibahagi ang mga natutunan sa iba, kasama ang malaman nila ang kanilang karapatan bilang mga Isabeleños.
Ilan sa mga natutunan at naging komento ng mga kalahok ay ang mga sumusunod:
“Akala ko po dati, wala nang kahalagahan ang mga PWDs para sa lahat, pero ngayon, na realize ko, may kahalagahan na pala kami kagaya ngayon na nandito kami sa GoGo seminar. Sana mag tuloy-tuloy ang ganitong programa upang mas lalong umunlad ang mga PWDs dito sa Isabela City.”
“Makialam po tayo kung saan napupunta ang budget natin, makialam po tayo kung meron bang mga programa sa ating mga PWDs, makilahok din po tayo sa mga programa dahil atin po iyon. Kagaya po ng mga suporta ng CSWDO, City Government, PDAO, and of course kay Ma’am Gem, we came out of our shell. Marami na po ngayong trainings and programs na nilalaan para sa ating mga PWDs. Tandaan ninyo po ito, wala po talagang PWDs na magkagusto nang ganito. Binigay ito ng Diyos, malakas tayo, at kinaya natin.”
“Ang natutunan ko po sa GoGo seminar ngayon is, yung budget o yung fund po pala ng City ay nakalaan po sa mga programa na hindi lamang sa mga PWDs, pero para sa lahat. Maganda talaga ang ganitong seminar dahil nalalaman din po namin ang rights namin at malaman if saan po kami pwedeng lumapit kung may mga concerns po kami.”
“Akala ko talaga noon, yung mga opportunities para sa mga PWDs especially sa usaping scholarship ay wala, pero nagulat na lang ako na isang araw, kasama pala ako na isa sa mga nakatanggap ng scholarship ni Mayor. Malaki talaga ang naitulong ng scholarship na ito sa pag-aaral ko.”
Kasama din sa nasabing pagsasanay ang aktibo at boluntaryong grupo ng GoGo secretariats na pinangunahan nina Jham-Jham Kalbi, April Winny Baclay, Erika Joy Bautista, Elvic John Obedencia, at Qasim Tapsi na kabilang ang GoGo documenter nitong si Marha Adilon.
Layunin ng GoGo Isabela Caravan na bigyan ng impormasyon at kaalaman ang mga Isabeleños patungkol sa mabuting pamamahala, kung saan ipinabatid sa kanila kung ano ang mga tungkulin ng nakaupong lokal na opisyal, paano pumili ng mabuti at maayos na lider, magkano ang pondo ng lokal na pamahalaan, paano maaaring bantayan ng mga mamamayan ang kaban ng bayan at higit sa lahat, kung paano dapat singilin ang mga lider na binoto ng mga Isabeleño tungo sa mabuting pamamahala. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha nina EJ. Obedencia at M. Adilon, GoGo documenters)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaro—isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More »

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More »

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More »

ISABELA CITY HOSTS INTERNATIONAL ISLAMIC SCHOLARS, LEADERS FOR SEMINAR ON KNOWLEDGE

Scholars, educators, community leaders, and advocates of knowledge-driven development gathered in the City of Isabela for the International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement, August 29, at Kasinnahan Hotel and Resort, Isabela City, Basilan. Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman personally graced the

Read More »