Umabot na sa 19 na target nitong sektor ang GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan kung saan, dinaluhan ito ng 125 na mga manggagawa sa Pasangen Commercial Complex (PCC) at Wet Market na mula sa Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo ng Lungsod, na ginanap mismo sa PCC, ika-29 ng Enero.
Pinangunahan ng mga aktibong GoGo ispikers na sina Barbette Jane Baclay, isang nars at Community Health Developer mula sa Global Missions Project, at Margarita Auxtero, dating Executive Director mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry-Isabela City, ang pagsasanay tungo sa mabuting pamamahala.
Ilan sa mga natutunan at naging komento ng mga kalahok ay ang mga sumusunod:
“Unang una sa lahat, nagpapasalamat po tayo sa GoGo Isabela dahil dito, tayo pong lahat na walang alam, mayroon man pero konti lang. Pero nang dahil sa GoGo, namulat ang ating isip at puso, nang dahil dito sa GoGo caravan, nalaman natin ang problema at paano tumatakbo ang gobyerno para sa ikagaganda at future ng Isabela at ng ating mga anak. Dito rin natin nalaman ang mga problema sa pera, yung mga guni-guni natin, yung nakaw dito, nakaw doon, naliwagaan na tayo ngayon. Sa mga workers, sinabi na nila ang mga problema at pangangailangan. Sana, ang hiling natin sa GoGo, ang medikal na ayuda dahil yun po ang kailangan natin ngayon.”
“๐๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐ง๐๐๐๐๐ค ๐ฅ๐ค ๐๐ ๐ค ๐จ๐ ๐๐ช๐๐๐ค-๐๐ช๐๐๐ค ๐๐๐๐๐. ๐๐ฉ๐ค ๐ฅ๐ค ๐๐’๐๐ข, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ๐ค ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ง๐๐ง๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐ค ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ฉ๐ค ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ฉ๐๐ค ๐ฃ๐ ๐ซ๐๐จ๐๐ฉ๐ค๐ง๐จ. ๐๐๐๐ ๐ฅ๐ ๐ฃ๐๐ก๐, “๐ผ๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฃ๐๐จ-๐ก๐๐ฃ๐๐จ ๐ฉ๐๐ก๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ค-๐๐ช๐๐๐ค ๐ฃ๐ค.” ๐๐ค, ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐ ๐๐จ๐ ๐จ๐ฎ๐๐ข๐ฅ๐ง๐, ๐ ๐๐ข๐ ๐ฃ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฃ๐๐จ ๐ฃ๐ค’๐ฃ. ๐๐๐๐๐ฉ ๐ฉ๐๐ก๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค, ๐๐ฅ๐ฅ๐ง๐๐๐๐๐ฉ๐ ๐ฃ๐๐ก๐ ๐จ๐ ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ. ๐๐๐ง๐ค ๐ฎ๐ช๐ฃ, ๐ข๐๐จ๐๐ง๐๐ฅ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐๐ข๐๐๐ข ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ง๐๐ฃ๐๐ ๐ฎ๐ช๐ฃ.”
“Noon, marumi at maraming basura. Dati, nakikita natin na delay ang pagkuha ng mga basura kasi kulang sa pansin sa maintenance. Ngayon, meron na at hindi na gaano karumi. Kakaunti na lamang ang basura. Sana bukas, mapanatili na ang kalinisan ng Isabela. Sana bukas, mabigyan ng pansin ang katulad naming mga utility workers. Kase nakikita naman natin na improved yung mga gamit namin. At ngayon, nalaman namin sa GoGo Isabela ang National at Local Budget at sana madagdagan ang budget ng Isabela.”
“Hindi ba tayo nagbago ngayon? Tignan ninyo ang mga proyekto natin, may pagbabago. Ikalawa, tignan ninyo, marami na ang katulad nating mga mahihirap na nagkaroon na ng trabaho. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng trabaho. Ikatlo, noon, ang Isabela madumi at yung daanan papuntang Tabiawan, madilim. Pero ngayon, may mga streetlights na sa highway papuntang Fuego-Fuego. Kahit maglakad pa kayo sa labas papuntang Fuego-Fuego dahil maliwanag na talaga.”
Kasama sa nasabing pagsasanay ang aktibo at boluntaryong grupo ng GoGo secretariats na pinangunahan nina Jham-Jham Kalbi, Elvic John Obedencia, Qasim Tapsi, at Erika Joy Bautista na kabilang ang GoGo documenter nitong si Marha Adilon.
Layunin ng GoGo Isabela Caravan na bigyan ng impormasyon at kaalaman ang mga Isabeleรฑos patungkol sa mabuting pamamahala, kung saan ipinabatid sa kanila kung ano ang dapat na tungkulin at paano pumili ng mabuti at maayos na lider, magkano ang pondo ng lokal na pamahalaan at paano maaaring bantayan ng mga mamamayan ang kaban ng bayan at higit sa lahat kung paano dapat singilin ang mga lider na binoto ng mga Isabeleรฑo tungo sa mabuting pamamahala. (Sulat ni S. Angging/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)