MGA BANGKERO MULA CARBON, KASALI NA RIN SA PROGRAMANG MICROFINANCE NG LUNGSOD

Nakipagpulong kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Marso 19, ang mga miyembro ng Bangkero Association mula sa Barangay Carbon upang pormal na ipahayag ang kanilang paglahok sa micro-financing program ng lungsod. Layon ng programa na tulungan silang makabili ng bagong makina para sa kanilang mga bangka, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P30,000 bawat isa, na maaaring bayaran sa loob ng isang taon sa halagang P100 kada buwan.
Tinalakay din sa pagpupulong ang mahahalagang detalye para sa iminungkahing paglulunsad ng bagong subsidized transport service, partikular sa pagitan ng JW Strong Boulevard at Fuego-Fuego sa Barangay Tabiawan. Napag-usapan ang mga pamasahe, iskedyul ng biyahe, at bilang ng mga bangka upang matiyak ang maayos na operasyon. Napagkasunduan din na limang bangkero ang magpapalitan araw-araw para sa nasabing byahe. Bilang suporta, magbibigay ang lungsod ng P150 na subsidiya kada araw sa bawat bangkero sa loob ng isang buwan.
Dumalo rin sa pagpupulong sina Tagapangasiwa ng PESO Aradelria Belleng at CGSO Eugene Strong na nagpahayag ng kanilang suporta sa programa at binigyang-diin ang kahalagahan nito sa pagpapaunlad ng maritime transport at lokal na ekonomiya ng lungsod. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »