MAYOR’S NIGHT NG 2025 REGIONAL CONVENTION OF HRMPs, NAPUNO NG SAYA’T PAPREMYO

Puno ng sigla at kulay ang ikalawang gabi ng 2025 Regional Convention of Human Resource Management Practitioners (HRMPs) sa ginanap na Safari-themed Mayor’s Night, na inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamumuno ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman.
Sa kanyang mensahe, si Board Member Ahmed Ibn Djaliv Hataman, na kumatawan kay Alkalde Turabin-Hataman, ay nagpahayag ng paghanga sa malalaking pagbabago at pag-unlad ng Isabela at Basilan, na aniya’y patunay ng mabuting pamamahala—isang pamahalaang marunong makinig, nakikibahagi, at nakatuon sa serbisyong may malasakit at paggalang sa karapatang pantao. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng Human Resource Management Practitioners bilang mahalagang haligi ng pamamahala, dahil ang mismong tao ang sentro at puso ng organisasyon, na may kaakibat na mas mabigat na hamon sa pamamahala.
Ang gabi ay tampok ang masayang selebrasyon na binubuo ng mga raffle draw para sa minor at major prizes. Nagtanghal din ang mga nanalo sa HAPIsabela Employees Talent Exposition, kabilang ang Uno, Isa Pa, at Sakayan Movers mula sa Pamahalaang Lungsod ng Isabela.
Ang Mayor’s Night ay nagsilbing pagkakataon para sa mas malalim na networking, pagpapalitan ng karanasan, at pagbubuo ng matatag na samahan sa pagitan ng mga delegado mula sa iba’t ibang lungsod at lalawigan ng Zamboanga Peninsula.
Sa kabuuan, ang ikalawang araw ng HRMPs Regional Convention ay naging tagpo ng kaalaman, kultura, at pagkakaibigan—isang patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at patuloy na pagkatuto, mas mapapalakas ang kalidad ng pamamahala at serbisyo publiko sa buong rehiyon. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni KJ Evardo at C. Digon, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »