MAYOR HATAMAN, IBINAHAGI ANG PAGLALAKBAY NG ISABELA CITY TUNGO SA PAG-UNLAD

Dumalo si Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman sa hanay ng mga pangunahing reformist mayors sa bansa sa ginanap na General Assembly 2025 ng Mayors for Good Governance (M4GG) noong Oktubre 24 sa Lungsod ng Quezon, na dinaluhan ng mahigit 120 alkalde mula sa iba’t ibang lungsod at bayan sa buong Pilipinas.
Sa temang “Empowering Communities, Inspiring Advocates: How We Influence Change,” ibinahagi ni Mayor Hataman ang karanasan ng Isabela City sa pagtataguyod ng inklusibong pamamahala, partisipasyon ng mamamayan, at pagpapalakas ng komunidad. Binigyang-diin niya na ang tunay na pamumuno ay nakaugat sa pagpapakumbaba, integridad, malasakit sa tao, at mabuting pamamahala.
Layunin ng pagtitipon na palakasin ang samahan ng mga alkalde sa pagsusulong ng tapat, epektibo, at makataong pamamahala para sa mas maunlad na mga pamayanan.
Kasama ni Mayor Hataman sa mga M4GG Convenors sina Mayor Benjie Magalong ng Baguio City, Mayor Vico Sotto ng Pasig City, at Mayor Joy Belmonte ng Quezon City — mga lider na kilala rin sa kanilang reporma at citizen-centered governance.
Ang patuloy na pagkakaisa ng mga alkalde, organisasyon, at mamamayan sa ilalim ng M4GG ay patunay ng lumalakas na kilusan para sa tapat, bukas, at makataong pamamahala — isang adhikaing matagal nang isinusulong ni Mayor Hataman sa Isabela City, Basilan.
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »