MAYOR DADAH, PINANGUNAHAN ANG KASUNDUAN PARA SA DAGDAG NA MGA CLASSROOM SA LUNGSOD NG ISABELA

Isa na namang mahalagang hakbang para sa pagpapalakas ng kalidad ng pampublikong edukasyon ang isinulong ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman matapos niyang pormal na lagdaan ang Memorandum of Agreement sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng 2026 Basic Education Facilities Program.

Idinaos ang paglagda sa tanggapan ni Undersecretary Atty. Peter Irving Corvera, Head of Procuring Entity, Senior Personnel Oversight, at Internal Audit Service. Kumatawan naman sa DepEd sa paglagda si Assistant Secretary Aurelio Paulo “AP” Bartolome, na namumuno sa Human Resource and Organizational Development, habang nagsilbing saksi si Basilan District 1 Board Member Amin Hataman.

Sa pamamagitan ng nasabing kasunduan, bibigyang kapangyarihan ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela na magsagawa ng LGU-led procurement para sa pagtatayo ng 13 bagong silid-aralan sa tatlong pampublikong paaralan, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng ligtas, matatag, at makabagong pasilidad para sa mga mag-aaral.

Kabilang sa mga proyektong ipatutupad ng Pamahalaang Lungsod ang:

pagtatayo ng apat na silid-aralan na may kasamang school furniture, solar photovoltaic (PV) energy system, water collection system, rainwater collector, at mga palikuran sa Caro Elementary School;

pagtatayo ng limang silid-aralan na may school furniture, solar PV energy system, water collection system, rainwater collector, at mga palikuran sa Panunsulan Elementary School; at

pagtatayo ng isang limang silid-aralang gusali upang higit pang mapalawak ang akses ng mga mag-aaral sa dekalidad na pasilidad sa edukasyon, lalo na sa mga pamayanang baybayin sa Badjao Floating Integrated School.

Ang mga proyektong pangungunahan ng Pamahalaang Lungsod ay nagkakahalaga ng P55.06 milyon, na may kabuuang project cost na humigit-kumulang P57.20 milyon, kabilang na ang engineering at administrative costs.

Bahagi ang mga ito ng mas malawak na 2026 Basic Education Facilities Program, na maghahatid ng kabuuang 26 bagong silid-aralan sa Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod at ni Gobernador Mujiv Hataman. Sa kabuuan, umaabot sa humigit-kumulang P110.83 milyon ang kabuuang pondong inilaan para sa pagpapabuti ng mga pasilidad pang-edukasyon sa lungsod.

Ayon kay Mayor Dadah, ang pamumuhunan sa mga paaralan ay pamumuhunan sa kinabukasan ng bawat batang Isabeleño. Sa patuloy na pakikipagtulungan sa DepEd at sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan, nananatiling matatag ang hangarin ng Pamahalaang Lungsod na makapagbigay ng mas ligtas, mas maayos, at mas angkop na kapaligiran sa pagkatuto, isang kongkretong hakbang tungo sa isang lungsod kung saan ang bawat kabataan ay may pagkakataong matuto, umunlad, at magtagumpay. (Sulat ni M. Guerrero, CIO/Ambag na Mga Larawan)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll

#GoodGovernanceWorks

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaro—isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More »

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More »

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More »

ISABELA CITY HOSTS INTERNATIONAL ISLAMIC SCHOLARS, LEADERS FOR SEMINAR ON KNOWLEDGE

Scholars, educators, community leaders, and advocates of knowledge-driven development gathered in the City of Isabela for the International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement, August 29, at Kasinnahan Hotel and Resort, Isabela City, Basilan. Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman personally graced the

Read More »