Ibinahagi ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman ang mga makabagong inisyatiba at best practices ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa International Conference on Responsible Tourism and Hospitality (ICRTH) 2026 na ginanap sa Eastwood Valley Golf & Country Club sa Miri, Sarawak, Malaysia.
Sa kanyang talakayan na pinamagatang “Human Interactions in the Tourism and Hospitality Ecosystems: Beyond the Rhetorics,” binigyang-diin ni Mayor Dadah ang kahalagahan ng people-centered governance, pakikilahok ng komunidad, at inklusibong pamumuno sa pagtataguyod ng responsable at napapanatiling turismo.
Ipinamalas din niya kung paano naging mahalagang bahagi ng pag-unlad ng Isabela City ang mabuting pamamahala, pagkakaisa ng iba’t ibang sektor, at aktibong partisipasyon ng mga mamamayan—mga prinsipyong nagbigay-daan upang makilala ang lungsod bilang isang huwaran ng inclusive governance at sustainable development.
Patuloy na itinataas ng Isabela City ang bandera ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga programang nagbibigay-inspirasyon at nagsisilbing modelo para sa iba pang pamahalaang lokal at mga institusyon sa iba’t ibang bansa.










