MASULA FARMERS’ ASSOCIATION, NAKATANGAGAP NG KAGAMITANG PANSAKA MULA SA LGU-ISABELA CITY

Pormal na isinalin ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang P35,000 halaga ng mga kagamitang pansaka sa Masula Farmers Association noong ika-30 ng Abril. Pinamumunuan ng Pangulo nitong si Misba Abbas Dillong, ang asosasyon ay tumanggap ng nasabing tulong sa ilalim ng Gender and Development (GAD) Fund.
Bilang suporta, dumalo sa aktibidad sina Shiela Pagarigan, Pangulo ng Local Council of Women (LCW), at ang GAD Unit sa pangunguna ni Mendry-Ann Lim.
Lubos ang pasasalamat ng Masula Farmers Association sa tulong na kanilang natanggap na inaasahang makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan at sa patuloy na pag-unlad ng kanilang komunidad. (Sulat ni R. Natividad-Sarael, GAD Unit/Kuha ni KC Galos, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »