Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman katuwang ang Tanggapan ng Serbisyo sa Pampublikong Pagtatrabaho (PESO), sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE), ang implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) Program para sa mga benepisyaryo sa lungsod, ika-13 ng Marso.
Aabot sa 660 ang tumanggap ng benepisyo mula sa programa, kabilang ang mga mangingisda, bangkeros, fish vendors, magsasaka, at mga estudyante. Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng halagang P4,140, mula sa pondo ng DOLE na umabot sa kabuuang P3,000,000.
Kabilang sa dumalo sa pamamahagi sina Board Member Ahmed Ibn Djaliv Hataman, Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, LEO II Christopher Borcelas mula sa DOLE, upang tiyakin ang maayos at sistematikong pag-abot ng tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ang programa ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela at DOLE na suportahan ang mga disadvantaged workers at bigyan sila ng agarang tulong para sa kanilang kabuhayan. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)
