LGU ISABELA CITY, NAGLAAN NG P19.7M UPANG IPAGAWA AT PAGANDAHIN ANG 21 PAARALAN SA LUNGSOD NG ISABELA

Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong palakasin ang sektor ng edukasyon at mapabuti ang kapaligiran ng pagkatuto ng mga kabataang Isabeleño.

Bahagi ng School Infrastructure Repair Program ang pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad sa 21 paaralan sa lungsod, na may kabuuang pondong ₱19,699,971.54, upang matiyak ang mas ligtas, maayos, at komportableng learning spaces para sa mga mag-aaral at guro.

Sa pagpapatuloy ng programa, kabilang ang mga sumusunod na paaralan:

1. Spillway Elementary School – Isinagawa ang pagkakabit ng bagong bubong, pagsasaayos ng kisame, pagtatayo ng comfort room, pagkukumpuni ng electrical system, pagpipintura, at iba pang kinakailangang repair sa imprastraktura ng paaralan.

2. Lunot Elementary School – Isinagawa ang pagkukumpuni ng imprastraktura at repainting ng mga pasilidad upang mapanatili ang kaayusan at mapaganda ang learning environment.

3. Old Camp Elementary School – Nagkaroon ng bagong bubong, pagsasaayos ng kisame, pagpipintura, at repair sa mga bahagi ng gusali at iba pang pasilidad ng paaralan.

4. Balatanay Elementary School – Isinagawa ang infrastructure repair at repainting ng mga pasilidad upang mapabuti ang kondisyon ng paaralan.

5. Kumalarang Elementary School – Naisagawa ang pagkukumpuni ng mga pasilidad at pagpipintura upang mas mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at seguridad ng learning spaces.

Sa pamamagitan ng patuloy na pamumuhunan sa imprastraktura ng edukasyon, ipinapakita ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang malasakit sa bawat mag-aaral at guro, tungo sa pagkakaroon ng mas ligtas, maayos, at mas magandang lugar para sa pagkatuto.

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeForAll

#GoodGovernanceWorks

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

YOUR CITY GOVERNMENT AT WORK

Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, upang mapabuti ang mga pasilidad pampaaralan at makapagbigay ng mas ligtas, maayos, at mas angkop na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro. Bahagi ng programang ito ang pagkukumpuni

Read More »

MAYOR DADAH, PINANGUNAHAN ANG PAGPAPASINAYA SA UPGRADED CITY HEALTH OFFICE

Mula sa dating City Infirmary, isa na ngayong mas moderno at mas pinalawak na City Health Office (CHO) Building ang nagsisilbing sentro ng mga serbisyong pangkalusugan sa Lungsod ng Isabela. Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagpapasinaya sa mga bagong natapos na imprastraktura sa CHO Building sa Barangay

Read More »

MAYOR DADAH HOLDS SERIES OF MEETINGS TO ADVANCE CITY PROGRAMS AND PARTNERSHIPS

Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman conducted a series of meetings with key city officials, staff, and partner organizations on July 20 at the Infirmary Conference Hall to discuss priority programs and initiatives aimed at strengthening public service delivery, cultural development, youth empowerment, and community partnerships. Among the meetings held was with

Read More »

LIBRENG ISA-KAYAN PARA SA MGA MAG-AARAL, HANDOG NG PAMAHALAANG LUNGSOD

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng gastusin ng mga pamilyang Isabeleño, pormal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ika-21 ng Hulyo, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Libreng Isa-Kayan Program para sa mga mag-aaral at guro sa lungsod. Nakiisa sa paglulunsad

Read More »

‘DRAW-AND-TELL’ TILT HIGHLIGHTS CREATIVITY OF CITY’S SNED LEARNERS

As part of the 48th National Disability Rights Week 2026 celebration, the City Government of Isabela, through the City Social Welfare and Development Office and the City Persons with Disability Affairs Office, successfully conducted a Draw and Tell Competition, July 21. The activity provided Special Needs Education (SNED) learners with

Read More »