LGSF-FA RICE ASSISTANCE, PATULOY ANG PAMAMAHAGI SA MGA BARANGAY NG ISABELA CITY

Patuloy ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Local Government Support Fund – Financial Assistance (LGSF-FA) matapos makatanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela ng pondo mula sa Pamahalaang Nasyunal bilang bahagi ng programang “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang.” Isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layunin nitong maihatid ang direktang ayuda sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, matagumpay na naipagkaloob sa Lungsod ng Isabela ang naturang pondo. Bilang bahagi ng implementasyon nito, ipinamamahagi ang tig-10 kilong bigas sa mga kwalipikadong pamilya upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa pagpapatuloy ng distribusyon, nakatanggap ng rice assistance ang mga benepisyaryo mula sa mga barangay ng Kumalarang, Doña Ramona, at Lumbang. Magpapatuloy ang pamamahagi sa iba pang mga barangay sa mga susunod na araw upang matiyak na maaabot ang lahat ng nakatakdang tumanggap ng ayuda.

Bukod sa pamamahagi ng bigas, kabilang din sa “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” ang iba pang mga programang pang-edukasyon tulad ng scholarship at iba pang serbisyong nakatuon sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Saklaw ng programa ang lahat ng 45 barangay sa Lungsod ng Isabela. Hinihikayat ang mga residente na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng kani-kanilang barangay para sa iskedyul ng pamamahagi.

#AHappyAndDignifiedLifeforAll

#HAPIsabela

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaro—isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More »

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More »

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More »

ISABELA CITY HOSTS INTERNATIONAL ISLAMIC SCHOLARS, LEADERS FOR SEMINAR ON KNOWLEDGE

Scholars, educators, community leaders, and advocates of knowledge-driven development gathered in the City of Isabela for the International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement, August 29, at Kasinnahan Hotel and Resort, Isabela City, Basilan. Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman personally graced the

Read More »