KAGAMITANG PANSAKA, HANDOG NG LGU-ISABELA CITY GAD FUND SA ‘MAGTINANEM’ FARMERS ASSOCIATION NG MASOLA

Bilang pagpapalakas sa iba’t ibang asosasyon ng magsasaka sa Lungsod ng Isabela, ang pagsasalin ng kagamitang pansaka na mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) Fund na nagkakahalaga ng P35,000, ay pormal na ibinigay sa Masula ‘Magtinanem’ Farmers Association nitong ika-23 ng Hunyo, sa mismong lokasyon ng kanilang sakahan.
Ang munting seremonya ay pinangunahan ni Muin Muhammad, ang Presidente ng ‘Magtinanem’ Farmers Association at ipinaabot ang pasasalamat nito sa Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon na pinangungunahan ni CIO/GAD Focal Mendry-Ann Lim. Aniya, ang mga bagong kagamitang pansaka ay isang malaking tulong upang mapadali ang kanilang trabaho at mas mapalago ang kanilang mga pananim.
Ibinahagi din nina Punong Barangay Nurmina Munjalal, Barangay Kagawad Lahna Mohammad, at pinuno ng IPMR Masula na si Sahak Addala ang kanilang pasasalamat sa personal na pagpunta ng mga tagapangasiwa ng asosasyong pansaka at masaksihan ang pagtanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaang lungsod.
Dumalo at nagbigay rin ng kanilang taos-pusong suporta sa nasabing pagsasalin ang Presidente ng Local Council of Women (LCW) na si Shiela Pagarigan, pangulo ng Isabela City People’s Council na si Pastor Ronald Paulino, at ang CIO GAD Focal Assistant na si Yasmina Acdalin.
Sa ganitong tulong at suporta, mas mapapalakas ang asosasyon ng mga magsasaka at inaasahang makatutulong ito sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan at maipakilala ang kahalagahan nila bilang mga masisipag na magsasaka sa paglago ng sektor pang-agrikultural sa lungsod. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni K. Galano, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »