Republic of the Philippines

City of Isabela

ISABELEÑOS, NAGPAKITANG-GILAS SA ‘TAWAG NG TANGHALAN’ AUDITION SA ISABELA CITY

Pagdating sa kantahan at biritan, hindi nagpahuli ang mga Isabeleño matapos ang matagumpay na isinagawang audition ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime noong Abril 20 sa Isabela City Civic and Cultural Center.
Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pag-awit, tampok ang matitinding biritan at emosyonal na mga pagtatanghal mula sa iba’t ibang mang-aawit na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Dinaluhan din ang nasabing aktibidad ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman bilang pagpapakita ng suporta sa mga lokal na talento at sa patuloy na pagsusulong ng sining at kultura sa lungsod.
Sa naturang audition, ang bawat kalahok ay naghanda ng isang minus-one audition piece, gayundin ng tig-isang English at Filipino a capella song upang maipakita ang kanilang husay at versatility sa pag-awit.
Patunay ang aktibidad na ito na patuloy na umuusbong ang talento ng mga Isabeleño, na handang makipagsabayan sa pambansang entablado.

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post