HIGIT 400 NA KASO NG DENGUE, NAITALA SA LUNGSOD NG ISABELA; MGA HAKBANG KONTRA RITO, INILATAG

π—›π—œπ—šπ—œπ—§ 𝟰𝟬𝟬 𝗑𝗔 π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜, π—‘π—”π—œπ—§π—”π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”; π— π—šπ—” π—›π—”π—žπ—•π—”π—‘π—š π—žπ—’π—‘π—§π—₯𝗔 π—₯π—œπ—§π—’, π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—”π—§π—”π—š | Nakipagpulong si Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa tagapangulo ng Tanggapan ng Kalusugan (CHO) na si Dr. Mohrein Ismael VI upang talakayin ang mga hakbangain para tugunan ang kasalukuyang sitwasyon ng dengue sa lungsod.
Sa 2024, nakapagtala ang Zamboanga Peninsula ng kabuuang 8,906 kaso ng dengue, at naitala ang 18% na pagtaas mula sa nakaraang taon. Sa Lungsod ng Isabela ay may nabilang na 432 na kaso at isang pagkamatay, kung saan ang pinaka-apektado ay mga bata nasa 1-10 taong gulang.
Aktibong nakikibahagi ang City Epidemiology Surveillance Unit (CESU), kasama ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH), sa mga kagyat na pamamaraan kontra dengue. Kabilang sa mga hakbang na ito ang mga kampanya sa kalusugan, pamamahagi ng Long-Lasting Insecticidal Nets (LLINs), at paggamit ng Dengue NS1 kits para sa maagang pagsusuri. Mula noong Enero 1 hanggang Agosto 9, nakapagsagawa ang CHO ng kabuuang 366 NS1 tests.
Kasama rin sa mga hakbang ang pag-igting ng paglilinis at ginawang fumigation sa 31 barangay, pamamahagi ng mga larvicidal powders, at Indoor Residual Spraying (IRS) sa mga lugar na may naitalang mga kaso. Samantala, iminungkahi ni Dr. Ismael VI ang patuloy na indoor residual spraying para sa mga tahanan na may mga clustered cases at binigyang-diin ang paggamit ng mga treated mosquito nets upang mapigilan ang paglaganap ng sakit.
Ayon sa datos mula sa CHO naitala ang mga nagkasakit ng dengue sa mga sumusunod na barangay:
β–ͺ️Sumagdang (52 kaso)
β–ͺ️Aguada (29 kaso)
β–ͺ️Tabuk (28 kaso)
β–ͺ️San Rafael (27 kaso)
β–ͺ️Begang (21 kaso)
β–ͺ️Menzi (20 kaso)
β–ͺ️Binuangan (18 kaso)
β–ͺ️Sunrise (17 kaso)
β–ͺ️Tampalan (17 kaso)
β–ͺ️DoΓ±a Ramona (16 kaso)
β–ͺ️Kaumpurnah Zone I (15 kaso)
β–ͺ️Diki (14 kaso)
β–ͺ️Lanote (14 kaso)
β–ͺ️Isabela Proper (13 kaso)
β–ͺ️Busay (11 kaso)
β–ͺ️Kaumpurnah Zone II (11 kaso)
β–ͺ️Timpul (11 kaso)
β–ͺ️Eastside (10 kaso)
β–ͺ️Cabunbata (9 kaso)
β–ͺ️La Piedad (8 kaso)
(Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

YOUR CITY GOVERNMENT AT WORK

Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, upang mapabuti ang mga pasilidad pampaaralan at makapagbigay ng mas ligtas, maayos, at mas angkop na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro. Bahagi ng programang ito ang pagkukumpuni

Read More Β»

MAYOR DADAH HOLDS SERIES OF MEETINGS TO ADVANCE CITY PROGRAMS AND PARTNERSHIPS

Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman conducted a series of meetings with key city officials, staff, and partner organizations on July 20 at the Infirmary Conference Hall to discuss priority programs and initiatives aimed at strengthening public service delivery, cultural development, youth empowerment, and community partnerships. Among the meetings held was with

Read More Β»

LIBRENG ISA-KAYAN PARA SA MGA MAG-AARAL, HANDOG NG PAMAHALAANG LUNGSOD

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng gastusin ng mga pamilyang IsabeleΓ±o, pormal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ika-21 ng Hulyo, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Libreng Isa-Kayan Program para sa mga mag-aaral at guro sa lungsod. Nakiisa sa paglulunsad

Read More Β»

LGU ISABELA CITY, NAGLAAN NG P19.7M UPANG IPAGAWA AT PAGANDAHIN ANG 21 PAARALAN SA LUNGSOD NG ISABELA

Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong palakasin ang sektor ng edukasyon at mapabuti ang kapaligiran ng pagkatuto ng mga kabataang IsabeleΓ±o. Bahagi ng School Infrastructure Repair Program ang pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad

Read More Β»