Republic of the Philippines

City of Isabela

HANDOG KABUHAYAN NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG ISABELA, IPINAGKALOOB SA MGA PWD SA ILALIM NG GAD PROGRAM

Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, sa pamamagitan ng City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) na pinamumunuan ni PDAO Gemma Paculio, ay nagsagawa ng Handog Kabuhayan para sa mga Persons with Disabilities (PWDs), ika-6 ng Pebrero sa CPDAO Lounge, pinondohan mula sa Gender and Development (GAD) Program.
Ipinamahagi ang tulong-pangkabuhayan sa mga kuwalipikadong benepisyaryo, kabilang ang Cup Mansi and Spy’s, Crochet, Joy Lites, at sa Verger Bites, ang programa ng Special Needs Education (SNED) ng Isabela East Central Elementary School.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Punong Lungsod Turabin-Hataman: “Masaya kami na kahit paunti-unti ay may naibibigay kami sa inyo. Hindi lang ito tungkol sa pag-asa… kundi sa pagkakaroon ng silbi at ambag sa pamilya at sa komunidad. Bilang mga marginalized sector, nais naming maramdaman ninyo na kayo ay mahalagang bahagi ng lipunan at may kakayahang mag-ambag sa kaunlaran.”
Dagdag pa rito, binigyang-diin ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela na ang pagtulong sa mga Persons with Disabilities (PWDs) ay hindi lamang isang gawaing kawanggawa, kundi isang mahalagang hakbang tungo sa pantay na kaunlaran at inklusibong pamamahala. Sa ilalim ng Gender and Development (GAD) Program, kinikilala ng lungsod na ang mga PWD ay may kakayahan, talento, at potensyal na dapat mabigyan ng pagkakataong umunlad. Sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan, layon ng pamahalaang lungsod na palakasin ang kanilang kakayahang tumayo sa sariling paa, magkaroon ng matatag na kabuhayan, at aktibong makilahok sa pag-unlad ng kanilang pamilya at komunidad.

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post