GOVERNOR MUJIV HATAMAN, MINARKAHAN ANG UNANG 100 ARAW SA KAPITOLYO

Binigyang-diin ni Basilan People’s Governor Mujiv Hataman ang kahalagahan ng agarang pagkilos, reporma, at pagkakaisa bilang haligi ng kanyang pamumuno sa pag-uulat ng kanyang Unang 100 Araw ng Panunungkulan noong ika-20 ng Oktubre, sa People’s Capitol, Basilan Government Center sa Lamitan City.
Sa harap ng mga lokal na opisyal, kawani ng pamahalaan, at mga lider ng komunidad, ibinahagi ni Governor Hataman ang mga unang hakbang at tagumpay ng kanyang administrasyon. “Sa unang isandaang araw ng ating paninilbihan, hindi tayo nag-atubili, hindi tayo nagpatumpik-tumpik — kumilos tayo agad tungo sa mas matatag, mas maayos, at mas maipagmamalaking Basilan,” aniya.
Itinampok ng gobernador ang mga nagawa sa ilalim ng kanyang Basilan HELPS framework — Healthcare, Education and Environment, Livelihood and Economic Development, Public Safety and Security, at Social Cohesion — na lahat ay nakaugat sa mabuting pamamahala.
Sa larangan ng kalusugan, personal na ininspeksyon ni Gobernador Mujiv Hataman ang mga ospital, nagdagdag ng mga doktor at health workers, naglunsad ng mga satellite clinic, at naghatid ng serbisyong medikal at nutrisyon sa libo-libong mamamayan sa pamamagitan ng Raayat Day at “Usap Tayo, Gob!” outreach programs. Sa ilalim ng mga inisyatibang ito, mahigit 33,000 Basileño ang nakatanggap ng direktang tulong, kabilang ang medical at wellness checkups at blood donation activities. Pinasinayaan rin ang Bohe Lebbeng Water System sa Tipo-Tipo bilang bahagi ng pagpapabuti ng access sa malinis na tubig.
Sa edukasyon at kalikasan, binuksan ang 600 metrong kongkretong kalsada sa loob ng Basilan National High School, nagkaloob ng educational assistance sa mga mag-aaral, at namahagi ng school kits sa mga bata sa liblib na barangay. Inilunsad ang “Magbassa Kite! IQRA” literacy campaign at binuo ang Provincial Madrasah Development Council upang palakasin ang parehong pormal at Islamic education. Sa kalikasan, ipinapatupad na ang “Sagip Kalikasan” program sa pamamagitan ng tree planting at coastal clean-up activities.
Para sa kabuhayan, sinimulan ang mga programang “Usaha” at “Magtanah” na tumulong sa mga magsasaka at maliliit na negosyante sa pamamagitan ng puhunan, libreng binhi, at tiyak na pamilihan para sa kanilang produkto. Sa Lamitan, itinatatag ang Provincial Nursery bilang agricultural techno-hub, habang ang pakikipagtulungan sa Autonomous Basilan Islamic Chamber of Commerce and Industry (ABICCI) ay naglatag ng MSME Sectoral Roadmap para sa mga lokal na negosyo.
Sa pampublikong kaligtasan, pinaigting ang seguridad sa mga kulungan sa ilalim ng Operation Greyhound, ipinatupad ang drug testing at rehabilitasyon, at pinalakas ang mga mekanismo laban sa pang-aabuso sa kababaihan at kabataan. Agad ding isinagawa ang mga hakbang sa panahon ng bagyong Nando at Opong upang matiyak ang kahandaan sa kalamidad.
Sa Social Cohesion, tinulungan ng pamahalaan ang mga komunidad na maresolba ang mga lokal na alitan, pinalawak ang Program Against Violent Extremism (PAVE 2.0), at nagkaloob ng tulong sa mga senior citizens, persons with disabilities, at mga pamilyang nasa krisis. Ipinagmalaki rin ng gobernador ang paglulunsad ng Basilan Women Peace Center — ang kauna-unahang Global UNAP Peace Center sa Pilipinas — at ang pagtatayo ng Yakan Weaving Center para sa pangangalaga ng kulturang Basileño.
Sa Mabuting Pamamahala, ipinatupad ni Governor Hataman ang Executive Order sa Freedom of Information (FOI) para sa transparency, ipinagbawal ang online gambling sa mga kawani, itinaas ang sahod ng mga empleyado, at muling binuhay ang mga local special bodies upang tiyakin ang partisipasyon ng mamamayan. Inilunsad din ang “Mujiv LIVE” upang magbigay-daan sa direktang pakikipag-ugnayan sa publiko.
Sa pagtatapos ng kanyang ulat, binigyang-diin ni Governor Hataman na ang mga nagawa sa unang isandaang araw ay simula pa lamang ng pagbabago sa Basilan. “Simula pa lang ito,” aniya. “Kung ito ang kaya nating marating sa loob ng isandaang araw, isipin natin kung gaano pa kalayo ang mararating ng Basilan kung patuloy tayong magtutulungan.”
Ang ulat ay nagsilbing patunay sa pangako ng pamahalaang panlalawigan sa isang pamahalaang bukas, tapat, at nakikinig — isang Basilan na patuloy na umaangat sa landas ng kapayapaan, pag-unlad, at pagkakaisa. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha nina KJ Evardo, IsaTV at M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaro—isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More »

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More »

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More »

ISABELA CITY HOSTS INTERNATIONAL ISLAMIC SCHOLARS, LEADERS FOR SEMINAR ON KNOWLEDGE

Scholars, educators, community leaders, and advocates of knowledge-driven development gathered in the City of Isabela for the International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement, August 29, at Kasinnahan Hotel and Resort, Isabela City, Basilan. Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman personally graced the

Read More »