Umabot na sa ika-96 na sesyon ang GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan β ang pangunahing target ng GoGo Isabela kung saan, dinaluhan ito ng isa sa mga mahahalagang sektor sa lungsod: ang 37 Punong Barangays at 37 Barangay Secretaries na ginanap sa Sangguniang Panlungsod (SP) Hall noong ika-21 ng Nobyembre. Ito ang pinakahuling sesyΒ Β Β on na naglalayong ipaalam at ipalaganap ang makabuluhang pagsasanay tungo sa pagkamit ng mabuting pamamahala.
Matatandaan noong ika-29 ng Oktubre na sa buong Rehiyon 9, ang inisyatibang ito ay nabigyan ng parangal bilang kampeon sa kategoryang ‘Citizen Participation’ ng 2025 Regional DILG ‘Layag’ Awards.
Ang pagsasanay ay pinangunahan nina GoGo Volunteer Speaker 1 Miriam Suacito, Executive Director mula sa Nagdilaab Foundation Incorporated, at GoGo Volunteer Speaker 2 Paulo Rick Lataba, Project Development Coordinator mula rin sa nabanggit na ahensiya. Tinalakay ang unang sesyon na sumasaklaw sa demograpiya ng Lungsod ng Isabela, ang mga tungkulin, responsibilidad, at obligasyonΒ ng mga namumuno mula pambansa pababa sa barangay, kabilang ang paglilinaw sa mga maling akala ng mga kalahok.
Ipinaliwanag din kung saan nanggagaling ang pondo ng nasyonal pababa sa pamahalaang lungsod, at detalyadong ibinahagi kung saan ito nahahati-hati para maisagawa ang mga proyekto at programa sa lungsod. Ipinasilip din ang mga proyektong naisagawa sa bagong administrasyon.
Sa pagtatapos ng sesyon, ipinagsama-sama ang mga barangay opisyal base sa kanilang distrito: North, West, East, at Island, kung saan nagkaroon ng aktibidad hinggil sa pananaw nila noon, ngayon, mga pangarap nila sa kani-kanilang komunidad, at ang natutunan sa pagsasanay.
Narito ang mga ‘highlights’ ng kanilang kasagutan:
π‘π’π₯π§π πππ¦π§π₯πππ§: “Sa GoGo sesyon, mas lumawak pa ang kaalaman tungkol sa kung saan at magkano ang pondo na nailalaan ng lokal na pamahalaan natin.”
πͺππ¦π§ πππ¦π§π₯πππ§: “Ang natutunan ng West District sa GoGo sesyon ngayon ay ang Transparency, Accountability, at ang Active Citizenry ng mga IsabeleΓ±os.”
πππ¦π¬ πππ¦π§π₯πππ§: “Ang natutunan namin sa GoGo sesyon ngayon ay ang implementation ng good governance, ano ang gagawin upang makamit ito at paano maisakatuparan ang good governance. Natutunan din namin paano lumaban sa korapsyon. At ang panghuli, bilang Barangay Leaders or officials, dapat ikaw ay isang ‘servant leader’, ibig sabihin ay inuuna mo at sineserbisyuhan mo ang tao mo.”
ππ¦πππ‘π πππ¦π§π₯πππ§: “Natutunan namin ngayon kung saan napupunta ang budget o ang pondo ng LGU-Isabela at kung gaano kahalaga ang tungkulin at responsibilidad ng mga barangay opisyal.”
Naging posible ang GoGo Isabela Training Caravan kasama ang boluntaryong grupo ng mga aktibong GoGo secretariats at documenter, at iilang mga boluntaryo mula sa Kaya Natin Youth Basilan sa pangunguna ng Pangulo nitong si Qasim Tapsi. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni A. Puti, IsaTV)