Republic of the Philippines

City of Isabela

GLOBE, PALALAKASIN ANG KONEKSYON SA LUNGSOD NG ISABELA; 5G, ILULUNSAD DIN

Sa isang pagpupulong na ginanap noong ika-25 ng Marso kay Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma bilang kinatawan ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, inilatag ng Globe Telecom ang mga plano nitong naglalayong palakasin ang ugnayan at isulong ang mga pangunahing inisyatiba sa telekomunikasyon sa Lalawigan ng Basilan. Tinalakay sa pulong ang mahahalagang update ukol sa pagpapabuti ng mobile network at broadband services sa ilalim ng programang HAPIsabela.
Isang pangunahing bahagi ng talakayan ang Zamboanga–Basilan–Jolo Submarine Cable Project, isang estratehikong proyekto sa imprastraktura na layong makapagpahusay nang malaki sa konektibidad at digital access sa buong rehiyon. Ibinahagi ng Globe Telecom ang mga update sa progreso ng proyekto, kabilang ang suporta sa lokal na permitting, mga kaayusan sa seguridad para sa isasagawang marine survey, at ang pagsusuri sa pinal na lokasyon ng cable landing station.
Tinalakay rin ng delegasyon ang iba pang isyu sa coverage at tinukoy ang mga lugar na nangangailangan ng koordinasyon at suporta sa loob ng Lungsod ng Isabela.
Kabilang sa delegasyon ng Globe Telecom sina Chief Commercial Officer Darius Jose R. Delgado, Territory 8 Lead Jowin Marquez, T8 Planner Juno Cedeno, T7/8 Territory General Manager Khristine Ekong, T8 Territory Business Head Rozy Opina, Area Operations Head Cherry Nina Ediong, T8 Transport Lead Rene Go, Subsea Planning and Engineering Head Janice Ortega, Subsea Planning and Engineering Engineer Nathan Udtuhan, mga kinatawan ng Fiber Home na sina Venz Ruzzel Yburan at Corina Dimco, NOA Area Head para sa Zamboanga na si Everard Peñaflor, West Mindanao RgPM Engineer na si Peter Jeck Pacudan, NOA Area Head para sa BASULTA na si Darius Bendijo, T8 Transport Lead na si Rian Pescadero, at Business Development Head na si Roel Alaba at mga kinatawan mula Ayala Foundation. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post