CEAP IX REGIONAL ASSSEMBLY, GINANAP SA LUNGSOD NG ISABELA

Nagtipon sa lungsod ang mga kinatawan ng iba’t ibang paaralang kasapi ng Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) sa rehiyon para sa kanilang taunang hunta, ika-9 ng Agosto.
Sa ngalan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, malugod na tinanggap ni Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma ang mga direktor at punongguro ng mga miyembrong eskwelahan sa pangunguna ni pangulo ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga at Tagapangalagang Panrehiyunal ng CEAP IX na si Fr. Guillrey Anthony “Ernald” Andal, SJ. Kasama rin niya si Annie Ebreo na nagsisilbi namang Kordineytor ng mga Programang Panrehiyunal ng nasabing organisasyon.
Ang nasabing pagtitipon ay tinaon naman sa ika-75 taon ng Claret College of Isabela (CCI), bagay na binigyang-diin ni Sr. Alecia Dumaboc, OND sa kaniyang mensahe. Ang CCI bilang kaisa-isang paaralang Katoliko sa buong Basilan ang tumatayong punong-abala sa aktibidad na ito.
Ipinaabot naman ni Ginoong Eisma ang kagalakan ni Alkalde Turabin-Hataman dahil sa lungsod napiling ganapin ang pagtitipong ito na patunay umano na hindi lamang ito ligtas na pagdausan, sumasalamin din ito sa paggalang ng mga Isabeleño sa pagkaiba-iba ng pananampalataya.
Nakiisa rin sa hapunang pagsalubong na ginanap sa may Liwasang Fuego-Fuego sina Bokal Ahmed Ibn Djaliv Hataman ng Unang Distrito ng Basilan, Hepe ng LEDIPO Jaime Juanito Rivera at iba pang mga panauhin. (Sulat ni M. Guerrero, CIO/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

YOUR CITY GOVERNMENT AT WORK

Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, upang mapabuti ang mga pasilidad pampaaralan at makapagbigay ng mas ligtas, maayos, at mas angkop na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro. Bahagi ng programang ito ang pagkukumpuni

Read More »

MAYOR DADAH, PINANGUNAHAN ANG PAGPAPASINAYA SA UPGRADED CITY HEALTH OFFICE

Mula sa dating City Infirmary, isa na ngayong mas moderno at mas pinalawak na City Health Office (CHO) Building ang nagsisilbing sentro ng mga serbisyong pangkalusugan sa Lungsod ng Isabela. Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagpapasinaya sa mga bagong natapos na imprastraktura sa CHO Building sa Barangay

Read More »

MAYOR DADAH HOLDS SERIES OF MEETINGS TO ADVANCE CITY PROGRAMS AND PARTNERSHIPS

Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman conducted a series of meetings with key city officials, staff, and partner organizations on July 20 at the Infirmary Conference Hall to discuss priority programs and initiatives aimed at strengthening public service delivery, cultural development, youth empowerment, and community partnerships. Among the meetings held was with

Read More »

LIBRENG ISA-KAYAN PARA SA MGA MAG-AARAL, HANDOG NG PAMAHALAANG LUNGSOD

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng gastusin ng mga pamilyang Isabeleño, pormal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ika-21 ng Hulyo, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Libreng Isa-Kayan Program para sa mga mag-aaral at guro sa lungsod. Nakiisa sa paglulunsad

Read More »