BION PATROL – REGULAR NA PAGPUPULONG NG MGA OPISYAL NG BARANGAY BINUANGAN

Sa pangunguna ni Punong Barangay Arcel T. Patiño, naidaos ang regular na pagpupulong ng mga opisyal ng Barangay Binuangan, kasama ang mga kagawad at iba pang mga opisyal ng barangay noong ika-26 ng Oktubre, na ginanap sa Barangay Hall ng komunidad.
Sa pagpupulong, inihayag ni Kapitan Arcel T. Patiño ang mga proyekto na nakaplanong isagawa sa darating na taong 2026, kabilang ang:
– Pagpapagawa ng mga pathways sa mga puroks upang mapabuti ang daanan at accessibility ng mga residente
– Extension ng Health Center ng Barangay Binuangan upang mapalawak ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga residente at;
– Pagpapalakas ng seguridad sa mga puroks upang mapigilan ang mga nakawan at iba pang mga krimen
Napag-usapan din ang mga problema sa bawat purok, tulad ng mga nakawan, at ang mga hakbang na gagawin upang matugunan ang mga ganitong pangyayari.
Dinaluhan ito ng mga Barangay Tanods, mga kagawad, at iba pang mga opisyal ng barangay.
Ang pagpupulong ay naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga opisyal ng barangay na makapag-usap at makapag-plano ng mga proyekto at programa na makatutulong sa pag-unlad ng barangay at sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga residente.
(Ulat at larawan mula kay BIO Patroller Joseph Paladero ng Barangay Binuangan)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »