BION PATROL | REGISTRY OF BARANGAY INHABITANT AND MIGRANTS (RBIM)

​​​​Naganap ang isang oryentasyon ukol sa “Registry of Barangay Inhabitants and Migrants (RBIM): A Response to Internal Migration” noong ika-6 ng Mayo sa Barangay Hall ng La Piedad.
‎Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Jayson Salvador mula sa City Population Management and Development Office (CPMDO), sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Jesielyn Puno, City Population Officer/CNAO.
‎Isa sa mga pangunahing tinalakay sa oryentasyon ay ang pagkilala kung sino ang dapat irehistro sa RBIM. Nilinaw na ang Inhabitants ay ang lahat ng kasalukuyang naninirahan sa barangay, habang ang Migrants ay ang mga kababayang nagmula sa ibang lugar at lumipat na sa komunidad.
‎Binigyang-diin din ang kahalagahan ng RBIM upang mapatibay ang database ng barangay at masiguro na bawat residente, maging luma o bagong lipat, ay mapagsilbihan nang maayos at hindi mapag-iiwanan sa mga programa ng lungsod.
Ang sistemang ito ay ‘offline-based’ kaya mas madali ang pag-input ng datos. Sa pamamagitan lamang ng isang araw na training para sa mga magsasagawa nito, masisiguro ang mabilis at accurate na pag-record ng impormasyon para sa ikabubuti ng bawat pamilya.
‎Kaugnay nito, inaasahan ang pag-iikot ng mga BHW, BNS, BIO, at volunteers sa mga tahanan para sa mas maayos na registry ng komunidad. Layunin nitong masiguro na walang mapag-iiwanan sa Barangay La Piedad dahil bawat isa ay counted.
‎Dinaluhan ito ng mga opisyales at lingkod-bayan ng Barangay La Piedad kabilang sina Punong Barangay Dion Rey Mon, pitong mga Barangay Kagawad, Barangay Secretary at Treasurer, SK Chairperson Joven Eugenio, mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholar (BNS), at Barangay Information Officer (BIO).
‎Sa kabuuan, naging maayos at produktibo ang isinagawang oryentasyon na nagpakita ng pagkakaisa at dedikasyon ng mga lingkod-bayan para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan.
‎(Ulat at mga larawan ni BIO Patroller Noelyn Delos Santos ng Barangay La Piedad)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaro—isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More »

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More »

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More »

ISABELA CITY HOSTS INTERNATIONAL ISLAMIC SCHOLARS, LEADERS FOR SEMINAR ON KNOWLEDGE

Scholars, educators, community leaders, and advocates of knowledge-driven development gathered in the City of Isabela for the International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement, August 29, at Kasinnahan Hotel and Resort, Isabela City, Basilan. Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman personally graced the

Read More »