Republic of the Philippines

City of Isabela

BION PATROL | GRAND IFTAR, BARANGAY DIKI

Sa gitna ng mapagpalang buwan ng Ramadhan, nagtipon-tipon ang mga residente mula sa Barangay Diki at karatig-lugar sa buong isla ng Malamawi upang makiisa sa gawaing ito na naglalayong pagtibayin ang pananampalataya at pagtutulungan na isinagawa nitong ika-18 ng Marso.

​Naging sentro ng programa ang pagbabahagi ng kaalaman mula sa mga kagalang-galang na tagapagsalita ng Albalagh Ulama Incorporated:

​Sheik Naufil Dakis

​Sheik Abdullah Bara

​Sheik Ubaidullah Abubakar

​Ang mga aral na ibinahagi sa Mudahara ay nagsilbing inspirasyon sa komunidad, lalo na sa pagpapakita ng malasakit sa kapwa sa panahon ng pagsubok.

​Hindi lamang pagkain para sa pag-aayuno ang pinagsaluhan, kundi naging pagkakataon din ang Grand Iftar upang abutan ng tulong ang mga kababayan nating nasunugan sa Barangay Diki nitong nakaraang buwan. Bahagi ng aktibidad ang pamimigay ng mga grocery packs para sa mga pamilyang apektado ng nagdaang kalamidad.

​Ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan o necessities kasabay ng symposium ay simbolo ng tunay na diwa ng Ramadhan, ang pagsasama ng panalangin at konkretong aksyon upang muling makabangon ang mga residenteng nawalan ng tahanan.

​(Detalye mula kay Punong Barangay Nihma Janing-Deman; mga nakalap na larawan mula kay Analiza Deman)

#BarangayPatrol

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

 

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post