Republic of the Philippines

City of Isabela

BION PATROL | COASTAL CLEAN-UP DRIVE

Naging produktibo at nakiisa ang mga residente ng Barangay Lukbuton sa isinagawang Coastal Clean-up Activity sa baybayin ng Purok-6 Mahogany nitong ika-13 ng Mayo.
‎​Naging espesyal ang aktibidad sa pagdalo ng mga kinatawan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office IX Zamboanga City, na nagpakita ng suporta sa pangangalaga sa yamang-dagat ng Isabela City.
‎Ang ​pangunahing layunin ng clean-up activity ay masiguro na malinis ang karagatan at maprotektahan ang mga yamang-dagat laban sa polusyon. Binigyang-diin sa aktibidad na ang dagat ang pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng maraming residente, kaya’t responsibilidad ng bawat isa na magtulungan upang mapanatili itong malusog at ligtas para sa susunod na henerasyon.
‎Ang paglilinis ay pinangunahan ni Punong Barangay Sarahaida Tiplani, kasama ang mga opisyales ng barangay, IPMR, ​Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), ​BION Patroller, BESO, ​mga barangay tanod, kabilang ang ​mga miyembro ng Fisherfolk (mangingisda) sa komunidad.
‎​Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at ng BFAR, muling pinagtibay ng Barangay Lukbuton ang kanilang komitment sa pagpapanatili ng isang maayos at luntiang kapaligiran.
‎(Ulat at mga larawan ni BIO Patroller Ihnee Salih ng Barangay Lukbuton)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post