BION PATROL | BUWAN NG KABABAIHAN

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, isinagawa ng Barangay Menzi, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Nelson Aguinid, ang isang programa, Marso 17, sa ilalim ng temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”
Tampok sa programa ang mga talakayan hinggil sa karapatan ng kababaihan, maagang pag-aasawa, at human trafficking na pinangunahan ni Atty. Waldemar Johasan, LL.M. mula sa Public Attorney’s Office (PAO). Tinalakay rin ni Konsehal Karel Annjaiza Sakkalahul ang Space Safe Ordinance, na naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng kababaihan sa pampublikong mga lugar.
Nakilahok at nakinig ang mga kababaihan ng barangay sa naturang programa, na naglalayong palakasin ang kanilang kaalaman at kamalayan sa kanilang mga karapatan at proteksyon sa lipunan.
(Ulat at mga larawan mula kay BION Patroller Danicca Cel Natad ng Barangay Menzi)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »