Republic of the Philippines

City of Isabela

BION PATROL, BARANGAY SMALL KAPATAGAN

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadhan, muling nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela ng pamamahagi ng tulong pagkain para sa mga pamilyang Muslim sa komunidad.
Kabuuang 130 sako ng tig-10 kilong bigas ang naipamahagi sa mga benepisyaryong pamilya sa Barangay Small Kapatagan. Isinagawa ang distribusyon sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay upang matiyak ang maayos, organisado, at patas na pamamahagi ng tulong sa bawat kwalipikadong sambahayan.
Ang taunang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na social support program ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, na naglalayong magbigay ng konkretong suporta sa mga pamilya, lalo na sa mga mahahalagang panahon ng pananampalataya at pagninilay.
Ayon sa alkalde, mahalagang tiyakin na ang bawat pamilya ay may sapat na paghahanda sa pagsalubong sa Ramadhan—isang sagradong buwan ng pag-aayuno, pagdarasal, kawanggawa, at espiritwal na pagninilay sa relihiyong Islam.
Bukod sa suporta para sa komunidad ng mga Muslim tuwing Ramadhan, patuloy ring nagbibigay ang Pamahalaang Lungsod ng ayuda sa mga pamilyang Kristiyano tuwing Kapaskuhan sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong para sa Noche Buena. Ipinapakita nito ang balanseng pagtugon ng pamahalaan sa iba’t ibang sektor ng lipunan, anuman ang paniniwala.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, pinatitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang adbokasiya nito para sa inklusibong pamamahala, paggalang sa cultural diversity, at pagpapanatili ng pagkakaisa sa komunidad
​(Ulat at larawan ni BIO Patroller Janice Delos Santos ng Barangay Small Kapatagan)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post