Bilang bahagi ng masiglang paghahanda para sa nalalapit na Banal na Buwan ng Ramadhan, matagumpay na tinanggap ng Barangay Kumalarang ang 370 na sako ng 10 kilos na bigas mula sa Pamahalaang Lungsod ng Isabela nitong ika-9 ng Pebrero, 2026, bandang alas kwatro ng hapon.
Ang proyektong ito, na pinangungunahan ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, ay isang taunang inisyatiba na naglalayong magbigay ng suporta sa bawat pamilyang Muslim sa kanilang pagsasagawa ng pag-aayuno at pagninilay. Ang 10 kilo ng bigas ay malaking tulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente sa pagsapit ng sagradong buwan.
Naging susi sa maayos na distribusyon ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Hapi Force Tanod, CVO, at mga opisyal ng barangay. Kanilang tiniyak na mabilis at ligtas na maihahatid ang biyaya mula sa lokal na pamahalaan patungo sa mga kamay ng mga benepisyaryo at pinaabot ang taos-pusong pasasalamat ng komunidad sa malasakit na ipinamalas ng lokal na pamahalaan.
(Ulat at larawan mula kay BIO Patroller Paradiba Omar ng Barangay Kumalarang)
