Bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng kalinisan, kalusugan, at kaligtasan sa buong lungsod, masiglang nakiisa ang ibaβt ibang barangay sa Isabela City sa isinagawang sirye ng Clean-Up Drive nitong nakalipas na mga linggo ng Agosto.
β
ββSa pagtutulungan ng mga opisyal at ng mga aktibong samahan sa komunidad, matagumpay na naisakatuparan ang paglilinis sa mga kalsada, piling purok, at coastal areas ng ating lungsod:
β



ββπππ₯ππ‘πππ¬ ππ¨π ππππ₯ππ‘π (ika-15 at 21 ng Agosto):
βNagsama-sama ang mga Barangay Officials, BHWs, BNS, Womenβs Association, at Barangay Tanods sa pangunguna at suporta ni Punong Barangay Julwaid Said para sa paglilinis sa paligid ng Barangay Hall at sa mga piling purok.
β
ββπππ₯ππ‘πππ¬ πππ₯ππ’π‘ (ika-16 at 23 ng Agosto):
βIpinamalas ng mga aktibong BHWs at Womenβs group ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kalinisan sa ibaβt ibang purok sa ilalim ng suporta ni Punong Barangay Jaitun Danial.
β
ββπππ₯ππ‘πππ¬ ππ¨πππ¨π§π’π‘β (ika-15 ng Agosto):
βMismong si Punong Barangay Sarahaida Tiplani ang namuno sa mga Kagawad, Tanods, Women, BHWs, at BNS upang isaayos at linisin ang kanilang barangay.
β
ββπππ₯ππ‘πππ¬ ππππ©ππ₯ππ’ (ika-23 ng Agosto):
βSa buong suporta ni Punong Barangay Hayir Munjalil, nagkaisa ang mga Barangay Officials upang isagawa ang kanilang bayanihan para sa kalinisan.
β
ββπππ₯ππ‘πππ¬ π§πππππͺππ‘ (ika-17 ng Agosto):
βIsang Coastal Clean-Up Drive naman ang matagumpay na naisagawa sa Fuego-Fuego, Tabiawan sa pakikipagtulungan ng CENRO, CGSO, at Landbank-Isabela City Branch upang pangalagaan ang ating dalampasigan at yamang-dagat.
β




ββAng ganitong mga hakbangin ay patunay ng dedikasyon at pagtutulungan ng ating mga lokal na namumuno at ng mamamayan para sa isang mas presko at maayos na lungsod.
β(Larawan mula sa mga BIO Patrollers: P. Omar, Kumalarang; N. Salamaddin, Carbon; I. Salih, Lukbuton; W. Bentulan, Calvario; at P. Peronella, Kumalarang)
β#HAPIsabela






