๐๐๐ข๐ก ๐ฃ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ โ|โ Patuloy ang pagpapakita ng dedikasyon sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran ang mga opisyal ng Barangay Busay sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Ron Alvarez kung saan, matagumpay na isinagawa ang isang masiglang clean-up drive sa Purok 2 ng komunidad noong ika-3 ng Mayo.
โ
โโLayunin ng nasabing aktibidad na masiguro ang kaligtasan ng mga residente laban sa mga sakit na dulot ng maruming paligid at mapanatili ang ganda ng kanilang komunidad.
โ
โNagtulung-tulong ang mga opisyal at mga volunteer upang linisin ang mga kanal, tabing-daan, at mga pampublikong espasyo sa naturang purok.
โ
โโAyon sa pamunuan, ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang pangmatagalang kampanya para sa isang mas luntian at masiglang barangay. Ang pagkakaisa ng mga opisyal at mamamayan ay patunay na buhay na buhay ang bayanihan sa Busay.
โ
โ(โUlat at larawan mula kay BIO Patroller Rowena Reston ng Barangay Busay)
โ
โ#HAPIsabela
