Republic of the Philippines

City of Isabela

97.5 NUTRISKWELA RADYO KOMUNIDAD CRC, IDINAOS ANG TAUNANG GENERAL ASSEMBLY SA LUNGSOD NG ISABELA

Isinagawa ng 97.5 Nutriskwela Radyo Komunidad Community Radio Council (CRC) ang kanilang Taunang General Assembly noong Pebrero 6 sa Joveth’s Hall, sa pangunguna ng Chairperson na si Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pamumuno ni City Administrator Pedrito Eisma.
Ang aktibidad ay inorganisa sa ilalim ng National Nutrition Council (NNC), kung saan tampok sa mga pangunahing adyenda ang presentasyon at adoption ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Health–NNC at LGU Isabela City. Ang kasunduan ay inilahad ni City Nutrition Action Officer Jesielyn Puno.
Inaprubahan din ng konseho ang bagong 97.5 RKFM logo at program schedule, bilang bahagi ng pagpapatibay ng panibagong identidad at direksyon ng programa ng estasyon.
Kasama rin sa pagpupulong ang presentasyon ng Nutriskwela Radio Broadcasters’ Association of the Philippines (NRBAPI) – Isabela de Basilan Chapter, na nagbigay-diin sa mga hakbang upang higit na mapahusay ang propesyonalismo at kakayahan ng mga Nutriskwela broadcasters.
Inanunsyo rin ang pormal na turnover ng isang 3,000-watt radio transmitter mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) patungo sa LGU Isabela City, na inaasahang magpapalawak sa saklaw ng pagbobrodkast at magpapalakas sa serbisyong pang-impormasyon ng estasyon sa komunidad.
Isa sa mga tampok ng pagtitipon ang isinagawang halalan para sa mga bagong opisyal ng Community Radio Council, kasabay ng orientation hinggil sa istruktura, tungkulin, at responsibilidad ng CRC. Tinalakay rin ang mga usapin kaugnay ng bank accounts at mga awtorisadong signatories ng konseho.
Patuloy na pinagtitibay ng 97.5 Nutriskwela Radyo Komunidad ang papel nito bilang mahalagang plataporma sa paghahatid ng impormasyong pangkalusugan, nutrisyon, at serbisyong panlipunan para sa mga Isabeleño.

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post