𝗧𝗒𝗨π—₯π—œπ—¦π—  π—œπ—‘π—™π—’π—₯π— π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯ 𝗦𝗔 π—™π—¨π—˜π—šπ—’-π—™π—¨π—˜π—šπ—’, π—•π—œπ—‘π—¨π—žπ—¦π—”π—‘ 𝗑𝗔 | Pormal nang binuksan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman katuwang si Kongresista Mujiv Hataman ang Tourism Information Center sa Fuego-Fuego, Tabiawan, ika-3 ng Disyembre. Nagsilbi namang panauhing-pandangal si Pangalawang Kalihim para sa Ugnayang Pang-Mindanao at Pagtataguyod ng Halal ng Kagawaran ng Turismo Myra Paz Valderrosa-Abubakar.
Ang kaganapan ay dinaluhan ng mga lokal na opisyal at iba pang mga stakeholder na nagbigay suporta sa layunin ng proyekto na magtaguyod ng turismo at pagpapakilala sa yaman ng kasaysayan at kultura ng Lungsod ng Isabela. Pangangasiwaan naman ito ng Tanggapan ng Turismo Lokal sa pangunguna ni CTO Claudio Ramos II na kamakailan ay hinirang bilang pinakamagaling na tourism officer ng isang lungsod sa buong Pilipinas.
Sa kanyang mensahe ng pagkilala, nagbigay ng pasasalamat si Konsehal Karel Annjaiza Sakkalahul, tagapangulo ng Komite ng Turismo ng Sangguniang Panlungsod, sa lahat ng mga tumulong sa pagtatayo ng nasabing pasilidad.
Pinangunahan ni Punong Lungsod Turabin-Hataman ang seremonya ng pagbubukas. Ayon sa alkalde, nagsimula ang proyektong ito sa isang pangarap na maipakita ang kagandahan ng Lungsod ng Isabela at Lalawigan ng Basilan. Ibinahagi rin niya ang mga plano para sa hinaharap, kabilang na ang pagtatayo ng isang museo na magtatampok sa kasaysayan ng Basilan.
“Ating ipinagmamalaki ang lugar na ito, ngunit para sa akin, ang Isabela ay isang lugar na tunay na maipagmamayabang sa ibang bayan,” ani ni Usec. Valderrosa-Abubakar. Dagdag pa niya, noong unang beses siyang dumaan sa lugar, ang makikita lamang ay isang pananda, ngunit ngayon ay isang ganap na puntahan na para sa mga turista. Hinikayat niya ang mga IsabeleΓ±os na ipagmalaki ang kanilang bayan at magtulungan upang mapaunlad pa ito.
Ang bagong Tourism Information Center ay magsisilbing pangunahing puntahan para sa mga turista, bisita, at mga interesado sa kasaysayan at iba’t ibang tanawin ng Lungsod ng Isabela. Makakabili rin ng mga pampasalubong na mga produkto sa nasabing sentro. Ang proyekto ay may kabuuang halaga na P2,995,633.12 na pinondohan ng 20% Development Fund ng lungsod at layong magbigay ng mas maraming oportunidad para sa mga IsabeleΓ±os na isulong ang isla bilang isang destinasyon ng turismo.
Nagtapos ang maikling palatuntunan sa isang pagtatanghal ng Pasangan Cultural Dance Troupe na ikinagalak ng lahat ng mga dumalo.
Ang proyekto ay bahagi ng mas malawak na plano para sa pag-unlad ng turismo sa Lungsod ng Isabela, at isang hakbang na magsisilbing daan para sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapakita ng mga natatagong yaman ng Basilan. (Sulat ni R. Natividad-Sarael/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

‘LIGID PADULUNG KALAMPUSAN’ STRENGTHENS LIVELIHOOD AND MOBILITY SUPPORT FOR PWDs

The City Government of Isabela under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, through the City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO), headed by Gemma Paculio, continues to advance inclusive governance by strengthening livelihood, mobility, and accessibility opportunities for persons with disabilities (PWDs) through the β€œLigΓ¬d Padulung Kalampusan” (Wheels Towards

Read More Β»

CDRRMO AND CSOs JOIN EIGHTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) and Civil Society Organizations (CSOs) joined the eighth session of the Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0 on September 8 at Westside Elementary School. An initiative of the City Government of Isabela under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, Sakayan-Kaalaman 4.0 is

Read More Β»

GSP BASILAN JOINS THE 7TH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The Girl Scouts of the Philippines (GSP) – Basilan Chapter took part in the seventh session of Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0, held on September 7 at Westside Elementary School. Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0 is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman,

Read More Β»

‘ESTUDYANTIPID’ SCHOOL CARAVAN, SET TO TEACH FINLIT TO CITY’S YOUTH

Isabela City welcomed a meaningful partnership advancing financial literacy and lifelong learning through the Estudyantipid School Caravan – Provincial Launch and Knowledge Channel TV Turnover, under FinEd Unboxed, an initiative of the BPI Foundation and Knowledge Channel Foundation, Inc., September 3. As part of the Knowledge Channel TV turnover, Basilan

Read More Β»

IN PHOTOS | HUWARANG PAMILYA AWARDS 2026

Outstanding individuals and families were honored during the Huwarang Pamilya Awards 2026 and culminating of Family Planning Month, September 2, organized by the City Govermment of Isabela through the City Population Management and Development Office. This year’s observance of the National Family Planning Month carries the theme “Panalo ang Pamilyang

Read More Β»