๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—”๐—ฅ๐—”๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ญ๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—” ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ข๐——, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—”๐—š | Bilang paghahanda ng Lungsod ng Isabela bilang pagdarausan ng Palarong Zamboanga Peninsula (ZPRAA Meet) 2026, nagsagawa ng pagpupulong si Gobernador Mujiv Hataman bilang kinatawan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, kasama ang Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lungsod ng Isabela at ilang opisyal ng pamahalaang lokal.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang bahagi ng paghahanda ng lungsod para sa nalalapit na paligsahang pampalakasan sa rehiyon, pati na rin ang paunang mga plano para sa magiging pagdaraos nito sa lungsod. Isa sa mga tinalakay ang mungkahing humingi ng tulong mula sa pambansang pamahalaan para sa pagpapaganda ng mga pasilidad, lalo na ang mga pangunahing lugar na gagamitin sa isports at iba pang mga pangangailangan ng mga kalahok.
Ibinahagi ni Dr. Arnel Hajan, punongguro ng Basilan National High School, ang kasalukuyang kakayahan ng lungsod at mga panukala para sa mga kailangang ayusin o dagdagan, tulad ng mga palaruan, tulugan ng mga bisita, at transportasyon para sa mga darating na delegasyon. May pangako rin ng suporta sa mga kagamitan at pagsasaayos ng mga aktibidad para sa mainit na pagtanggap sa mga panauhin. Nagmungkahi rin ng karagdagang pagpapalawak at pagsasaayos ng mga lugar ng paligsahan at matutuluyan upang masunod ang pamantayan ng malalaking palaro. Inaasahang mahigit 7,000 atleta, tagasanay, at opisyal ang dadalo sa ZPRAA 2026.
Dumalo rin sa pagpupulong sina Bise Alkalde Ar-jhemar Ajibon, mga konsehal na sina Jeromy Casas at Al-Ameen Camlian, pangulo ng SK Federation na si Naila Belleng, pangulo ng ABC na si Abral Abdurahman, CID Chief Dr. Henry Tura, Inhinyero ng Lungsod Reynaldo Dagohoy, CGSO Eugene Strong, SAO Robert Arseรฑa, at Ingat-Yaman ng Lungsod Mary Jane Abenojar, kasama ang iba pang mga opisyal. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaroโ€”isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More ยป

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More ยป

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More ยป