PLANDAN-PAGTATANIM NG PANDAN PARA SA KULTURANG NAGPAPATULOY

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-123 Araw ng Paggawa, ika-1 ng Mayo 1, matagumpay na isinagawa ang Plandan: The Pandan Planting sa Isabela City Forest Park, Barangay Maligue.
Inilunsad ito bilang pagtupad sa pangakong pagtugon sa pangangalaga at pagpapanatili ng masiglang tradisyon ng paggawa ng tepo sa lungsod. Ang proyekto ay isinakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Tanggapan ng Turismo Lokal, Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo, at Tanggapan ng Agrikultura, sa ilalim ng inklusibo at masiglang pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman.
Ang Pandan (Pandanus simplex Merr.) ay isang endemic species sa Pilipinas at lumalaki mula 4–6 m ang taas na may hugis-espada na madilim na berdeng dahon sa pagitan ng 3–5 m ang haba. Ang species na ito ay malawakang ginagamit para sa paghabi ng iba’t ibang handicraft, kabilang ang mga basket, banig, at sombrero.
Ang pagtatanim ng pandan ay layuning mapanatili at mapalago ang suplay ng dahon ng pandan, isang mahalagang materyales sa paghahabi ng tepo. Sa pamamagitan nito, direktang natutulungan ang mga lokal na manghahabi sa kanilang kabuhayan, habang pinapalaganap at pinoprotektahan ang isang mahalagang aspeto ng kultural na pamana ng Lungsod ng Isabela.
Kasama ng Lokal na Pamahalaan sa pagtatanim ng pandan ay tatlumpung kasapi ng Basilan Women Weavers Association of Tampalan o BAWWAT at apatnapung miyembro ng Marang Marang Women’s Association, na magiging direktang benepisyaryo ng pagtatanim ng pandan.
Ang inisyatibang ito ay bahagi rin ng selebrasyon ng Ika-24 Araw ng Lungsod ng Isabela sa ilalim ng temang “RelationSHIPS: 24 Years of the City’s Journey Anchored in Inspiring Stewardship Towards Sailing Resilience.”
Nakiisa sa nasabing aktibidad sina Punong Barangay Nurol Atong kasama ang mga opisyal ng Barangay Maligue, mga kawani ng LGU, at iba pang stakeholder na patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkalikasan at pangkultura ng lungsod. Pinangunahan naman ito nina nanilbihang CENRO Albino Orbecido, Tourism Operations Officer Arriana Jupakkal sa ngalan ni CTO Claudio Ramos II. (Kuha ni A. Puti, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »