SAYA AT MUSIKA SA SAKAYAN ‘ALEGRIA NA PLAZA’

Muling napuno ng sigla at gilas ang Plaza Rizal sa pamamagitan ng mga pagtatanghal mula sa Department of Education (DepEd) SDO – Isabela City, ika-30 ng Abril. Tampok sa kanilang presentasyon ang mga pagtatanghal sa larangan ng kultura, koro, at musika, na tunay na umantig sa damdamin ng mga manonood.
Ang kaganapang ito ay isa sa mga pangunahing tampok ng Sakayan Festival 2025, na may temang “RelationSHIPS: 24 Years of the City’s Journey Anchored in Inspiring Stewardship Towards Sailing Resilience.” Sa pamamagitan ng sining at musika, naiparating ng mga guro at mag-aaral ang mensahe ng pagkakaisa, pag-asa, at pagmamalasakit sa kulturang lokal.
Kabilang sa mga nagtanghal ang Basilan National High School Choir sa pamumuno ni Jonathan Gilbert Cruz, ang Basilan National High School Drum and Lyre Corps sa pamumuno ni Ronald Solamo, at ang The Brodiax Band na lalong nagpasigla sa gabi ng selebrasyon.
Ang matagumpay na pagtatanghal ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng DepEd SDO – Isabela City sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Dr. Jay Montealto, kasama si Assistant SDS Dr. Laarni Villanueva, na personal ding dumalo sa programa. Lubos din ang pasasalamat sa Education Program Supervisor para sa MAPEH, Dr. Arnel Hajan, para sa maayos na koordinasyon at aktibong partisipasyon sa pagbuo ng programang ito. (Kuha ni K. Galano, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »